Sen. Francis Escudero claims lavish wedding with Heart Evangelista was sponsored

Nilinaw ni Sen. Chiz Escudero na halos lahat ng ginastos nila ng misis na si Heart Evangelista sa ginanap na engrandeng kasalan nila sa Balesin Island Club noong nakaraang taon ay mula sa sponsors. Naitanong ng brodkaster na si Mike Enriquez muli sa mambabatas ang tungkol dito sa pagsalang niya sa programa nito sa DZBB na Ikaw Na Ba? The Vice Presidential Interview.


Iginiit ni Senator Chiz Escudero na galing sa mga kontribusyon at corporate sponsors ang ginastos nila ng aktres na si Heart Evangelista sa kanilang engrandeng kasal noong nakaraang taon.

Ang magarbong kasalan ng dalawa ay ginanap noong February 15, 2015 sa pribadong Balesin Island Club, sa Quezon Province.

Sa panayam ni Mike Enriquez sa programang Ikaw Na Ba? The Vice Presidential Interview sa DZBB kahapon ng umaga, January 28, sinabi ni Chiz na maraming kaibigan nila at mga negosyante ang nag-alok ng tulong sa gastusin ng kanilang kasalan.

Aniya, “Gusto ni Heart ng magandang kasal. Alam niyang hindi namin kaya pareho yun.

"Nais nga niya, siya ang sumagot ng karamihan ng gastos, pero sabi ko hindi.

"Dahil artista siya, maraming tumulong sa amin.”

Ang eksklusibong members-only Balesin Island Club, na venue ng kasalan, ay “partially sponsored” din daw dahil naipo-promote nila ito.

Naitanong ni Mike ang tungkol sa mga naging gastos nila sa kasal dahil si Chiz ay isa sa pinakamahirap na senador, base sa kanyang taunang SALN (Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth) na umabot lamang sa P6 million.

SPONSORED WEDDING RING. Nagkaroon muli ng pangalawang reception ang kasalan sa Maynila para naman sa mga kaibigan nilang hindi imbitado sa Balesin wedding.

Ginanap ito sa Blue Leaf Filipinas events place sa Parañaque City.

Ito naman daw ay sponsored ng GMA Network, ang istasyong kinabibilangan ni Heart.

Ayon pa kay Chiz, kahit daw ang kanilang wedding ring ay bigay ng kumpanyang My Wedding Ring.

Katumbas daw nito ang kanilang pag-endorso sa kanilang kumpanya.

“Ang kapalit noon, billboard at saka photo shoot para ilagay sa magazine.”

Ang iba naman daw na mga produkto ay lumapit sa kanila para naman sa giveaways para mai-promote din ang kanilang mga negosyo.

Sa kasalukuyan, tumatakbo si Chiz sa pagka-bise presidente sa ilalim ng grupo ni Senator Grace Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN