Angeline Quinto reveals her mom is jealous of Erik Santos

Aminado si Angeline Quinto na pagsisisihan niya kung sakaling mapagod na si Erik Santos at tumigil na ito sa panliligaw sa kanya. Saad niya, "Siyempre, baka dun pumasok bigla ang pagsisisi, siyempre hindi mawawala yun. Pero kung sakali at hindi po mag-work or hindi talaga ako mahintay ni Erik, iintindihin ko yun. Kasi, mas importante sa akin ang friendship naming dalawa."


Aminado si Angeline Quinto na nakakaramdam siya ng pressure tuwing tinatanong siya ng entertainment press kung sila na ba ng matagal nang nali-link sa kanyang si Erik Santos.

Pahayag ng Kapamilya singer, “Siyempre, meron pa rin po.

“Minsan kasi, ayoko lang din po na nanggagaling sa ibang tao na kung mahal ko naman daw po si Erik, bakit hindi ko pa sagutin, di ba po?

“Kasi, para naman po sa amin ni Erik, hindi namin minamadali kung ano ang dapat mangyari.

“At saka, ang dami ko pong sinasabi, lalo na sa mga taong nagtatanong sa akin, marami lang po talaga akong iniingatan.

“Parang katulad na lang po nung mama ko.

“Yung mama ko po kasi, selosa.

“Hindi ko alam, dati naman po hindi siya ganun, pero habang tumatanda siya, parang nagiging sensitive siya.

“Yung attention ko, doble ang effort.”

Ibig ba niyang sabihin ay nagseselos ang kanyang ina kay Erik?

Ayon kay Angeline, “Feeling ko, kahit hindi niya sabihin sa akin, nararamdaman ko po.

“Every time na makita kami ng mama ko na mag-guest ni Erik kay Ate Kris [Aquino] sa Kris TV, palagi niya akong tinatanong, ‘Boyfriend mo na ba?’ Ganun siya. 

“So ngayon, iniisip ko kung anong magandang salita ang masabi ko sa kanya para hindi siya mag-isip na kami na.

“Kasi, nakikita niyang sweet kami sa TV, si Erik, kapag nagpupunta sa bahay kaya siguradong iisipin ng mama ko na kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeline sa second presscon ng Royals noong Martes, January 26.

Ang Royals ay ang Valentine concert nina Angeline at Erik kasama ang Concert King na si Martin Nievera at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Mapapanood ito sa February 13 sa MOA Arena at sa February 14 sa Waterfront Cebu.

STILL NO LABEL. Sa isang banda, hindi ba nila napag-uusapan ni Erik kung ano na nga ba ang label ng relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Angeline, “Hindi po kasi alam naman namin sa isa’t isa yun. 

“Alam ko rin naman na espesyal ako kay Erik sa lahat ng ginagawa niya at ganun din naman ang ibinabalik ko, lalo na at ako ang babae.

“Lalo na sa lahat ng nagtatanong kung official na kami na talaga, hindi pa po talaga.”

Papunta na ba sila sa level na yun?

“Sana, sana po, kasi ayokong masira ang friendship namin.

“Ang pangit naman po kasi na sobrang okey lahat ngayon, tapos kapag naging kami, baka masira.”

Kung may opisyal man sa kanila, ito ay ang panliligaw sa kanya ni Erik.

Sabi ni Angeline, “Di ba nga, sinasabi ng iba, parang oo na lang? Parang oo na lang ang kulang.”

Ano pa ang hinihintay nila para maging opisyal na ang kanilang relasyon?

Ayon kay Angeline, “Bukod sa mama ko, sa work, sobra po... ano po ako, e, clingy akong tao. 

“E, di ba, sa trabaho namin ni Erik, hindi every day na magkasama kami?

“Actually, si Ate Kris [Aquino] nga, yun din ang alam niya talaga.”

Paano kung magsawa at mapagod si Erik sa panliligaw sa kanya?

Sagot ni Angeline, “Palagi ko naman pong sinasabi sa kanya na, ‘Kung hindi mo ako kayang hintayin, sabihan mo ako.’ Ganun po.

“At saka, palagi ko rin sinasabi kung papipiliin ako, si Erik o trabaho ko, siyempre trabaho ko.

“Hindi kami magkakakilala, ano ang ipapakain ko sa pamilya ko kung hindi ako magtatrabaho, di ba?”

NOT YET SUCCESSFUL. Sa edad na 26, hindi pa raw masasabi ni Angeline na successful na siya sa propesyong pinasok niya.

Saad niya, “Pinag-uusapan nga po namin ‘yan ni Yeng [Constantino] bago siya ikasal.

“Sabi ko, ‘Yeng, hindi ko pa makita ang sarili ko na katulad sa ‘yo.’

“Binabayaran ko pa ang bahay ko.

“Siguro, kapag lahat ng yun, e, nabayaran ko na, baka mas maintindihan ko na po.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mga tatlong taon pa raw siguro ang kailangan niyang bayaran sa bahay niya.

Dugtong pa ni Angeline, “At saka, sayang din naman po ang mga pagkakataon na hangga’t may trabaho, di ba? 

“Siyempre, yung inspirasyon na ibinibigay sa akin ni Erik, nandoon yun.

“Pero yung pagmamahal sa trabaho, inuuna ko ngayon.

“Paano kung wala nang trabaho, tapos gusto ko pa?”

Pagsisisihan ba niya kung sakaling mapagod na sa kahihintay sa kanya si Erik?

 “Oo naman!” mabilis na sagot ni Angeline.

“Siyempre, baka dun pumasok bigla ang pagsisisi, siyempre hindi mawawala yun.

“Pero kung sakali at hindi po mag-work or hindi talaga ako mahintay ni Erik, iintindihin ko yun.

“Kasi, mas importante sa akin ang friendship naming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN