Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach advised by PNoy about politics

President Noynoy Aquino tells Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach to think about her interest in politics "five times."


“Very light conversation.”

Ganito inilarawan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang naging closed-door meeting nila ni President Benigno “PNoy” Aquino III sa courtesy call niya sa Malacañang Palace noong Martes, January 26.

Inilahad ni Pia ang napag-usapan nila ng Pangulo sa maiksing panayam ni Boy Abunda sa homecoming tribute na inihanda para sa kanya ng ABS-CBN kagabi, January 28.

Biro ng reigning Miss Universe, walang personal na napag-usapan, “Because my mom was sitting beside me.”

Pero bawi niya, “Kidding aside, no, because I'm very natural with him, I just asked him what his plans with his 50-plus days remaining before he finishes his term, what he will do after, kung magpapahinga ba siya.”

Sa pagkakataon daw na ito, tinanong ni Pia si PNoy tungkol sa mga naging sagot niya sa Q&A portion ng prestihiyosong beauty pageant, partikular na ang tungkol sa US military presence sa bansa.

“He said that when you sparked the comments of the leftists then you know that you did something right,” nakangiting sabi ng 26-year-old beauty queen.

Samantala, tinanong naman daw ng Pangulo si Pia tungkol sa kanyang interes sa pagsali sa pulitika.

At ang payo raw sa kanya ni PNoy, “I think you really should think about it five times.

"Sabi niya, pag-isipan ko raw ng mga limang beses pa.”

Sa huli, binati raw ni Pia ang Pangulo sa anim na taon niyang pamumuno sa Pilipinas.

“I always thought he was a good leader with good governance. I told him that.

“I congratulated him for a successful term and he congratulated me in the Miss Universe.”

Bago matapos interview tungkol sa pagkikita nila ni PNoy, tinanong ni Boy kung nakitaan niya ng special interest sa kanya si PNoy.

Sagot ni Pia, “No. I think he was very professional.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN