Comedienne Kitkat gets bashed for cursing traffic enforcer

Tila hindi nagustuhan ng ilang netizens ang hindi magandang salitang ibinato ng komedyanang si Kitkat sa isang traffic enforcer kamakailan dahil sa hindi umuusad na trapiko. Katuwiran naman ng komedyana, "E syet ihing ihi nako oh andto pa kmi. Logic. Pag may common sense ka alam mo ang alternate hindi ung kng ano lng maisip mo padaanin."


May ilang netizens at followers ang komedyanang si Kitkat sa Instagram na pumuna sa kanyang post tungkol sa isang traffic enforcer.

Tila namura kasi ni Kitkat ang naturang traffic aide dahil, ayon na rin sa paglalarawan niya, hindi raw nito alam ang kanyang ginagawa.

Sabi ng komedyana sa kanyang Instagram post noong Martes, January 26: “Nyeta ka di mo alam ginagawa mo. Isang oras na kmi dto ah... ‘Pag trapik may nagtatrapik’”

Kalakip nito ang larawan ng traffic enforcer ngunit hindi maaaninag ang mukha nito.

Nyeta ka di mo alam ginagawa mo. Isang oras na kmi dto ah... "Pag trapik may nagtatrapik"

A photo posted by KITKAT - Soraya Ray (@favkitkat) on

“TALKSHIT PA MORE ‘TE.” Kasunod nito ang pagpuna ng ilang followers ni Kitkat; sinabi ng mga ito na sana hindi naman ganun ang pagtrato niya sa isang taong ginagawa naman ang kanyang trabaho.

Sabi ni @therealdario26: “Ikaw kya sa pwesto nya ate? Baka maslalong magtrapik! talkshit pa more te!”

Dagdag ni @kulagat02: “Kaya nga kawawa nman yung tao ginagawa nya lang trabaho nya sadyan me mga tao lang na walang disiplina...mis kitkat bumaba ka dyan ikam ang gumawa nang ginagawa nya....”

Puna naman ni @cutiehotmom: “Lack of traffic lights... I feel sorry for these traffic enforcers. Just be thankful they are able to do the hand gestures traffic signs.”

Susog naman ni @iamrap.sol: “Kung trapik trapik tlaga.. pasalamat ka may nangangasiwa pa khit ppno.. baka pag wala yung hog na yan magwala ka na jan sa kinakaupuan mo.. wag mo isisi ang pangkalahatang problema sa taong yan.. di lang ikaw naiistak sa trapik…”

Suhestiyon ni @sannypa: “Sa dami ng sasakyan sa maynila kahit sangkaterbang traffic enforcer walang magagawa. Mag commute po kayo para bawas private vehicles sa kalsada lol.”

Pag-alala pa ni @djhoanna79 para sa walang malay na traffic enforcer: “Hala ang harsh m nmn ngaun..kww nmn c manong trafficker wlang malay ns IG n cya.”

Sabi pa ni @jaqjaq23: “Hindi nman yan dahil sa traffic enforcer maam...sadyang matitigas lang talaga ang ulo ng ibang commuters..nag uunahan..singit2x kahit alam ng masikip na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay @therealdario26: “Natatawa ako kay ate! Pumapatol lolls.”

Ani @jhefoy: “yabang ah..dhil sa madlang tao kaya may sasakyan k ngayun...ang taas ah...huwag masyado bka bumgsak.”

“IHING-IHI NA AKO.” Kasunod nito ang pagsagot ni Kitkat sa mga punang ito. Rason ng komedyana, isang oras na siya sa naturang lugar at ihing-ihi na raw siya.

Narito ang kanyang mga kasagutan sa ilang nagkomento sa itaas:

favkitkat: “@therealdario26 logic kelangan dyan.”

favkitkat: “@kulagat02 logic lng kelangan dyan, pumunta ka dyn para makita mo na pinapadaan nya ung isang lane isasabay nya sa isang lane.. Di nya na alam ginagawa nya...”

favkitkat: “@djhoanna79 pag ihing ihi kana at isang dura ka nalang sa pupuntahan mo at isang oras kana sa trapik sa kawalan ng sistema ng traffic enforcer lalabas din ang pag ka halimaw mo! Lahat tayo marunong magalit kaya wla ako paki sa mga sasabihin ng mga tao dto... Lahat nagmumura.”

favkitkat: “IG ko to wala kayong paki!!!! Ihing ihi nako paksyet!

favkitkat: “@therealdario26 papatol ka tlga pag bwisit kana! E syet ihing ihi nako oh andto pa kmi. Logic. Pag may common sense ka alam mo ang alternate hindi ung kng ano lng maisip mo padaanin.”

favkitkat: “E patol din kayo sa post ko e!!! Ano kayo lang?????”

favkitkat: “@jhefoy ah excuse me estudyante palang ako may kotse nako....”

Dagdag pang paliwanag ni Kitkat:

“Kanina tumabi sya sa gilid at nagcecelfone lng...

“Good example? Bkit ano ba ginawa kong bad example? Di ka ba marunong magalit? Istatwa ba ako? Tao din po ako.

"Pag nasusuka ka na sa ihi halos isuka mo na ung ihi mo at isang dura nalang ang pupuntahan mo e tlgang magagalit ka na din di ba... Wag nyo po kming ituring na hindi tao. Tao din po kmi marunong magalit

“Wala po kz kayo sa daan kaya hndi nyo alam kng ano ginagawa nya... :("

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN