Regine Velasquez on Angeline Quinto and Erik Santos: "No worries, bakit natin minamadali?"

Regine Velasquez recounts the support she got from establshed artists when she was a newbie in the entertainment industry, and now she is paying it forward. She says, "I want also to support sa young singers. Hopefully, they will also learn from that and they'll continue."


For the first time ay makakasama ni Regine Velasquez sa isang buong show ang rumored couple na sina Angeline Quinto at Erik Santos.

Ito ay sa Valentine concert na Royals sa February 13 sa MOA Arena kung saan kasama rin nila si Marin Nievera.

Ayon kay Regine, nakatrabaho na nila ni Martin sina Angeline at Erik sa ibang shows, pero pasulpot-sulpot lang sila.

“We guested in their concerts.”

Naging malapit naman daw kasi si Regine sa batch na ito nina Angeline at Sarah Geronimo.
 
“Itong si Angeline, madalas mag-text sa akin.

“Kung meron siyang mga hinaing, sa love life, ite-text niya ako.

“So, she’s very close to me.
 
“Wala naman kasing particular sa music, parang ayokong makialam.

“Siyempre, iba naman ang na-experience ko from before at iba yung na-experience nila ngayon.

“But I do try to give them advice if they ask me,” saad ni Regine sa presscon ng Royals noong January 26 sa Luxent Hotel.

IS IT FOR REAL? Sa kabila ng kakaibang closeness nila at nanliligaw naman daw talaga si Erik kay Angeline, hindi pa rin umaamin ang dalawa kung sila na nga ba.
 
Kaya sa presscon ay tinanong sina Regine at Martin kung may napapansin silang kakaiba sa dalawa.
 
“Kami na ni Martin!” biro ni Regine.

Pero seryoso niyang dagdag, “Actually, they’re very sweet to each other, silang dalawa." 

“Palaging magka-ganito, magka-ganyan,” sabay muwestra ng mga galaw nina Angeline at Erik sa isa’t isa.

“Hindi ko pa nakikitang mag-kiss.”

At saka humirit si Regine ng birong, “Sa madaling salita, walang pakialaman.”
 
Parang sila ni Ogie Alcasid noon, ilang taon din ang inabot bago sila umamin na sila pala.

“O, bakit yun, ang tagal ko rin itinago yun. Nalaman niyo ba?

“O, walang pakialaman ‘yan,” biro pa rin ni Regine.

LIMITED CIRCLE. May maipapayo ba siya sina Erik at Angeline?
 
Sabi ni Regine, “Pareho naman silang single, I don’t think there’s anything wrong.

“And you know, maliit lang ang circle namin, nandito lang kami.

“Bihira lang kaming lumabas sa circle na yun.
 
“Most of the time, yung mga taong nagkakaroon ng relationship are in the same business also.

“Like me, I don’t meet naman a lot of people, so I would fall in love with somebody in the same business.
 
“I never really saw that would happen because before, I really wanted someone not in the same business as I am.

“But since I don’t go around, I don’t meet a lot of people.

“So, sa kanilang dalawa, for me, it’s not impossible, they’re both single.

“And I think they’re both enjoying the friendship that they have.

“No worries, bakit natin minamadali?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THRILLED. Excited at masaya raw si Regine na makatrabahong muli sina Angeline at Erik.

“It’s nice to be able to work with them na buong concert kasi mas ibang experience yun.

“I’m very happy and I’m very excited about this concert.

“For me, working with the younger batch of singers, I also learn from them.

“First of all, I’m old school, balladeer talaga ako.

“Kaya ko yung mga Whitney Houston, okey lang ‘yan sa akin.
 
“But now kasi, music has changed, it has evolved.

“And it’s good to be working with younger generation now, you also learn new things from them.”

Ano ang bago sa concert na Royals maliban sa pagsasama nilang apat nina Martin, Angeline at Erik?

“Wala na nga, ibang gown lang! Ibang hairstyle,” biro ulit ng Asia’s Songbird.
 
“Hindi, it’s my first time to work with Angeline and Erik so definitely I’ll be doing numbers with each of them.

“That’s exciting, nakakatuwang pagsamahin yung magkaibang boses.
 
“Like kami ni Erik, magkaiba ang boses namin.

“Kami ni Angeline, medyo magkalapit ang boses namin.

“Kaya I’m excited to find out kung ano ang magiging result.”

SUPPORT ALL AROUND. Hindi kaya magkakasapawan silang apat sa concert?
 
Hirit ni Regine, “We’re one team, ang weird naman kung hindi ka team player at gusto mong mangibabaw ka. 

Kung gusto mong mangibabaw ka, mag-solo ka kaya.”

Bilang patunay na malayong mag-upstage silang apat sa concert, binalikan ni Regine ang magandang samahan nila ni Martin.

Ito raw at ang music producer na si Ronnie Henares ang unang tumawag sa kanya ng Regine.

“My real name is Chona.”
 
Lahad pa niya, “I can attest na with him talaga, when he says he’ll support you, he will really support you.

“He will go out of his way.

‘So, itong dalawang ito [Angeline and Erik], I’m sure mapi-feel nila how supportive he is.”
 
Biro pa niya, “Ako, hindi masyado.”
 
Nagpasalamat naman si Angeline kay Regine dahil madalas ay hindi raw ito tumatanggap ng guesting fee sa shows niya.
 
Ayon naman kay Regine, ibinabalik lang niya kung paano siya sinuportahan noon ng mga singers na naabutan na niya o nauna sa kanya.

“Actually natutunan ko yun kay Martin, matanda na si Martin, e.

“Parang mga hundred years na siya sa business.
 
“But, no, because when I was starting, sila Martin was the same with me.

“They’re very gracious, Pops [Fernandez] was very supportive of me.

“When I was starting, si Kuh [Ledesma] si Joey Albert, Zsa Zsa Padilla, sobra silang supportive.

“Ganun din si Martin, ‘Can Regine do a duet with you in Penthouse?’

“Parang hindi naman nila ako kilala but Martin said, ‘Sure.’ 

“Parang now that I’m able to do that, I want also to support sa young singers.

“Hopefully, they will also learn from that and they’ll continue.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN