Erik Santos on why he will never do sexy pictorials: "Parang kontra po sa branding ko yung maghubad."

Why Erik Santos won't pose for sexy pictorials, "Parang kontra po sa branding ko yung maghubad. Ang mga kinakanta ko mga ballads, love songs... so hindi po siya bagay."


Isa si Erik Santos male celebrities na patuloy na iniintriga pagdating sa kanyang sexual preference. Pero hindi na raw siya naaapektuhan ng mga ito.

“Hindi na, twelve years na ako [sa showbiz], hanggang ngayon dinidikit sa akin 'yan,” sabi ng Kapamilya singer.

Aminado naman si Erik na noon ay dinaramdam niya ang pang-iintriga sa kanya.

“Nung una, siyempre. Biruin mo, inisyu kami ni Tito Boy [Abunda, his former manager].

“Iinisyu kami nung nakasama ko lang sa mall, inisyu na kami.”

May pagkakataon bang iniyakan niya ang mga ganitong intriga?

“Hindi po ako umiyak… siguro nasanay na lang ako.

‘Pag naman hindi totoo yung ibinabato nila, yung parang, ‘E , di sige, bahala sila!’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erik nitong Martes, January 26, sa presscon ng Royals concert sa Luxent Hotel.

Ang Royals ay concert nina Erik, Angeline Quinto, Regine Velasquez, at Martin Nievera sa February 13 sa SM Mall of Asia Arena at sa February 14 sa Waterfront Hotel and Casinos sa Cebu City.

ERIK IN THE NUDE? Nauuso ang pagkalat ng video scandal among male celebrities, at sinigurado ni Erik na wala siyang nude video.

“Wala talaga!”

Maging sa pictorial ay never pa raw siyang nagpakuha ng kahit shirtless man lang.

“Gusto niyo? Abangan nyo sa Instagram! Mas matindi!” natatawang biro niya.

Dagdag ni Erik, “Kasi hindi ako masyadong adventurous sa ganyan, e.”

Ang pinakaseksi pictorial raw na nagawa niya ay naka-sando siya at boxer shorts.

Wala raw siyang plano na rumampa nang naka-topless sa Cosmo Bachelor Bash.

“Kasi balladeer ako, e.”

Bakit ang mga kapwa niya balladeers na sina Christian Bautista at Mark Bautista ay may sexy pictorials?

Sagot ni Erik, “Hindi ko po alam sa kanila, kasi for me, for me lang ito, ha...

“Personally, ang take ko diyan is, when you’re a balladeer, kailangan may mystery kang iwan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kapag nakita na sa ‘yo lahat, di ba, katawan mo, so ano pa yung… ano pa, ano pa yung hahanapin ng tao?

“Akin lang po yun, ha, kasi hindi po bagay sa akin yung… parang kontra po sa branding ko yung maghubad.

“Ang mga kinakanta ko mga ballads, love songs, inspirational songs, so hindi po siya bagay.”

May nagbiro kay Erik, paano kung malaki ang talent fee?

“Puwede naman pong pag-usapan!” ang tumatawang sagot ni Erik.

Dati raw ay may offer sa kanya na mag-endorse ng underwear, “Tinanggihan ko po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN