Ella Cruz insists she and Bret Jackson are not an item

It can be said that Ella Cruz is one busy young star, having been plucked by Viva from Regal for movie projects, apart from having a show at TV 5 while remaining a Kapamilya talent.


Iginiit ni Ella Cruz na walang namamagitan sa kanila ng kapwa niya Viva artist na si Brett Jackson.

“Hindi kami, hindi kami," nakangiting sabi ni Ella sa presscon ng Wattpad Presents noong Miyerkules, January 27, sa The Music Hall, Metrowalk.

Dagdag niya, “We’re still friends po… Sa ngayon, ganun pa rin, friends pa rin.

“Ayoko pa talaga."
 
Ang dating kasi sa iba ay nag-break na raw sila?
 
Paglilinaw ni Ella, “Hindi... well, nag-decide lang kami parehas na better na friends.

“Ngayon kasi, hindi na rin kami masyadong nagkikita.

“Masyado kaming busy, pero friends po kami, katulad dati.”
 
Hindi ba nakakatulong ang pagkaka-link nila ni Bret pagdating sa career niya?

“Hindi naman po sa hindi nakakatulong.
 
“Siguro po, hindi pa lang po right time.

“At saka, marami pa akong magagandang nari-receive na blessing.”
 
Diin ni Ella, “Mabait si Bret, sobrang caring, sobrang sweet.

“Pero kailangan muna na career muna po talaga.”
 
Pinaninindigan ni Ella na hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong relasyon, puro mutual attraction pa lang daw.

LOOK-ALIKE. Samantala, marami ang nakakapansin sa pagkakahawig ni Ella sa sexy star at dating Viva Hot Babes member na si Maui Taylor.
 
Sabi niya tungkol dito, “Noong nagsisimula pa lang po ako, sinasabi na nila na hawig ko nga raw po si Maui Taylor. 

"Pero si Boss Vic [del Rosario] naman po, ang sabi niya, ang kahawig ko raw po si Sarah Geronimo.”
 
Biro ng press kay Ella, mas gusto niyang kahawig si Sarah?
 
“No, no, no!” natawang sabi niya.
 
Kilala niya ba si Maui?
 
“Opo at saka nagkita na rin kami.”
 
Posible kaya siyang magpaseksi rin?
 
“Ay, hindi naman po siguro,” nakangiti niyang sagot.

KAPATID OR KAPAMILYA? Nabigyan na siya ng break sa ABS-CBN nang maging bida siya sa telefantasya na Aryana (2012).

Pero ngayon ay mas madalas siyang napapanood sa TV5; Kapatid na ba siyang talaga?
 
Ayon kay Ella, “Siguro nagkataon lang po na maraming offer sa TV5, tapos yung TV5, hawak na rin ng Viva.

“Pero hindi naman po more on TV5, nagkakataon lang na nandoon po ang project.
 
“But, as you know, nagyu-UKG [Umagang Kay Ganda] pa rin naman po ako every morning sa ABS.

“Nagsu-Showtime ako kapag naggi-guesting ako.”
 
Na-disappoint ba siya noong pagkatapos ng launching niya ay hindi na ito nasundan ng isa pang lead role?
 
“Well, after po kasi ng Aryana, yung Bagito

“Sinasabi nila na support lang, pero ang ganda po kasi ng role.

“Kung hindi dahil sa akin, wala si Bagito, parang yun po ang lumalabas.

“Kaya sabi ko, okey lang; hindi talaga siya support, lead din.

“Kaya ko siya kinuha kasi sobrang importante ng role.

“Marami rin po ang natuwa, pati ang mga boss po natuwa sa ginawa ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At saka, ganun naman po talaga.

“Matagal naman po talaga ang hintayan sa ABS dahil sa sobrang dami ng artista.”

Noong October 2015 pa naging Viva Artist si Ella; nagpapa-release ba siya sa Regal?

Sabi ni Ella, “Meron kasi akong contract sa Regal so inaayos pa po namin.

"Hanggang next year pa po kasi ang contract ko.

“Sa ngayon po, nagpapa-meeting pa sa Regal kasi kailangan din naming mag-usap.

“At saka siyempre para walang samaan ng loob kailangan po ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN