Bianca Gonzalez on raising a baby: "Hindi siya glamorous at all."

"I'm very lucky kasi there are other dads na takot humawak ng baby. But JC has been very hands on," says Bianca Gonzalez about her husband JC Intal.


Ibinahagi ni Bianca Gonzalez na hindi biro ang mag-alaga ng kanyang three-month-old baby na si Lucia.

Lalo pa’t kahit nagbalik-trabaho na siya ay tutok pa rin daw siya sa pagpapalaki ng anak.

Paglalarawan ni Bianca sa kanyang trabaho bilang ina, “Hindi siya glamorous at all.

“Hindi totoo yung mga pictures na nakikita ko sa social media na baby happy, mommy ganda, fresh.

“Ay naku! Minsan sasabayan mo ng iyak yung baby mo, kasi busog naman, hindi basa, naka-burp naman, ayaw matulog.

“Ano nang gusto mo? Hindi mo alam.”

Gayunman, hindi umano matatawaran ang sayang dulot ng pagiging isang ina.

“When you wake up in the morning tapos she smiles at you, lahat ng pagod mo, nawawala.

“So, in short, lakas makabaliw talaga!”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon para sa Ariel power gel detergent, na ginanap sa Century Mall, Makati City, ngayong araw, January 29.

Sa kabila ng pagiging abala sa kanyang mommy duties, laking pasasalamat ni Bianca sa kanyang mister at basketbolistang si JC Intal dahil hands-on dad ito kay Baby Lucia.

Kuwento ni Bianca, “By the time he goes home from training, he knows and sees na pagod na pagod na ako.

“Siya naman kahit pagod siya from training, he takes her, he burps her, puts her to sleep, changes her diapers—lahat ginagawa niya.

“Dyino-joke ko nga siya na I bet if dads could make pa-breastfeed also, I’m sure gagawin niya.”

Tila wala nang mahihiling pa sina Bianca at JC sa kanilang buhay-pamilya, lalo pa’t nakasama nila ang sanggol na anak sa El Nido, Palawan noong nakaraang holiday break.

You may now kiss the baby! At the very spot where we said "I do" but this time with our little one. ???

A photo posted by Bianca Gonzalez Intal (@iamsuperbianca) on

Matatandaang sa naturang lugar sila ikinasal noong December 3, 2014.

“Nakakatuwa kasi lahat ng staff, ‘Oh, you’re back with the baby.’

“Nakakatuwa kasi even though hindi pa niya naiintindihan na, ‘O, this is where we got married.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“To be back in such a special place with her, and to have the chance to save up para makapagbakasyon ng ganun, ang laking bagay.

“And siyempre for me, para makalabas ng bahay, makahinga, ang laking bagay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN