Angel Locsin on reported breakup with Luis Manzano: "Hindi pa po."

"May mga pinagdadaanan pero I'm hoping na maayos," says Angel Locsin about the status of her relationship with boyfriend Luis Manzano.


“Hindi pa po.”

Ito ang sagot ni Angel Locsin tungkol sa bali-balitang hiwalayan umano nila ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nilinaw ni Angel na may pinagdadaanan lamang sila ni Luis sa kanilang relasyon.

Pero inaayos naman po namin,” sabi ng aktres sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda kagabi, January 29,

Matatandaang ito rin ang sinabi ng Luis sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News reporter na si MJ Felipe.

Read: Luis Manzano confirms relationship with Angel Locsin is on the rocks

Ayon kay Angel, ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magbigay ng anumang pahayag pa tungkol sa estado ng relasyon nila ni Luis ngayon.

Pasensiya na, Tito Boy, ayaw kong mag-elaborate kasi baka may masabi ako na imbes na maayos namin, makasama pa.

Ayaw ko naman kasi manloko o magsinungaling. May inaayos lang ho kami.”

Ilang oras bago ang kanyang live interview ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at bloggers si Angel sa blogcon na inihanda para sa kanya ng Star Cinema kaugnay ng pelikulang Everything About Her.

Dito ay hindi nagsalita si Angel tungkol sa estado ng relasyon nila ni Luis dahil magbibigay nga raw siya ng pahayag sa panayam niya kay Boy kinagabihan.

Sa kabila nito, sinabi ni Angel na kasama pa rin si Luis sa mga pinaghuhugutan niya ng lakas sa gitna ng pagsubok sa kanilang relasyon.

“Sa lahat ng mga taong nagmamahal sa akin, kahit kay Luis, humuhugot pa rin naman ako sa kanya.

“Hindi pa rin naman nawawala. Kahit naman may problema kami, nandiyan pa rin naman ang pagmamahal.

“May mga pinagdadaanan, pero I'm hoping na maayos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN