Arron Villaflor clarifies All of Me was not cut short because of JM de Guzman

Arron Villaflor sais in his solo press conference that the Kapamilya series All of Me was not cut short because of JM de Guzman's departure. However, he said that he and the whole cast and crew felt sad when JM had to leave the show.


Nalungkot daw si Arron Villaflor nang kinailangang lisanin ni JM de Guzman ang panghapong teleserye nilang All of Me, na nagwakas kahapon, January 29.

Ibinahagi ni Arron sa kanyang solo press conference na ginanap din kahapon sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, palagi raw niyang kinakausap noon si JM nang naramdaman niyang nagkakaroon ito ng problema.

“Well, nalungkot din ako, dahil si JM din kasi, as much as possible, kinakausap ko siya sa set.

“Alam naman natin yung condition niya that time, di ba?

"Feeling niya, wala siyang kakampi, feeling niya, inaaway siya ng marami.

“Kaya ako, ipinaramdam ko sa kanya na, ‘Brad, kaya ako nandito para may kausap ka. Huwag ka mag-alala, hindi ka nag-iisa dito, bro.’

“’Wala kang kaaway dito, bro.’ Then ayoko nang iungkat iyong mga personal problems niya kasi wala naman akong karapatan. Sa kanya iyon, e.”

Dagdag pa niya, “Nandito lang kami, mga kaibigan niya, para i-guide siya sa mga gusto niyang i-open na problema, di ba, and at the end of the day, siya pa rin yung magde-decide.”

Ikinalungkot naman daw ng buong cast and crew ang mga pangyayari.

“Nalungkot lahat ng All of Me cast, iyong director namin [Don-Don Santos], si Kuya Nars [Gulmatico, executive producer] umiiyak, si Miss Maru [production manager]. Kasi hindi nila kagustuhan yung nangyari, e.

“So hopefully makabalik siya uli, di ba, kapag okay na okay na siya, kapag handa na siya sa trabaho.

"Welcome naman siya sa ABS anytime.”

Subalit ang pag-alis ba ni JM sa produksiyon ang dahilan kung bakit napaaga ang pagtatapos ng All of Me?

Sagot niya, “I guess not naman, e. Kasi as much as possible, we stick to the plot.

“It just so happened na ito, ganito yung nangyari, nagkaroon ng problema.

“And thankful na rin kami kasi yung mga writers, gumawa sila ng paraan para i-twist yung story at naisip nila si Tito Albert [Martinez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang hirap din doon sa part nila kasi biglaan iyon, then hand-to-mouth pa kami every day, then naitawid.

“Kaya kanina sa last episode namin, ipinakita iyong mga scenes ni JM, ang daming nalungkot.”

Ibinahagi pa ni Arron na ipinagdasal ng buong crew si JM noong last taping day nila.

“Pagkatapos namin kunan iyong last day namin, pagkatapos ng taping, nagdasal kaming lahat na salamat sa friendship na nabuo, sa family.

“At yung huling dasal namin na, ‘Pagdasal natin si JM.’ Makikita mo talaga na concerned lahat ng tao sa kanya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN