Vic Sotto on wedding gift to Pauleen Luna: "Ang pangakong magsasama kami habang buhay."

Vic Sotto to Pauleen Luna: "Thank you for loving me for what I am. Kung ano man yung mga pinagdaanan ko, tinanggap niya ako. I highly appreciate that."


Ilang oras bago ang kanilang kasal, inihayag ni Vic Sotto ang kanyang pagmamahal para sa soon-to-be wife na si Pauleen Luna.

Read: Vic Sotto, Pauleen Luna to tie the knot today

Sa live episode ng Eat Bulaga! ngayong araw, January 30, binisita nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Jose Manalo) si Vic sa mismong hotel kung saan manggagaling ang soon-to-be married couple papuntang simbahan.

Dito ay nakitang nakuha pang magbiro ni Vic nang gulatin niya sina Lola Nidora at Lola Tidora bago pumasok ang mga ito sa hotel room ng una.

Pagkatapos ay ibinahagi ni Vic ang kanyang nararamdaman ngayong ikakasal na sila ng kanyang girlfriend of more than four years na si Pauleen.

Lahad ni Vic, “Ilang araw kong hindi iniisip. Pero paggising ko kanina, bumukas yung mata ko.

“Naisip ko, 'Aba! Totoo na pala ito!'

“Kaninang umaga lang nag-sink in sa akin na eto na pala ang araw.”

Ayon pa kay Vic, higit sa anumang materyal na bagay ang inihanda niyang regalo para kay Pauleen ngayong araw.

“Ang gift na pinakamagandang maibibigay ko sa kanya ay ang pangakong magsasama kami habang buhay.”

Sa huli, ito ang mensahe ni Vic para sa minamahal na si Pauleen, “Thank you for loving me for what I am.

“Kung ano man yung mga pinagdaanan ko , tinanggap niya ako. I highly appreciate that.

“Yung iba ko pang gusto sasabihin, sa simbahan kapag nakaharap ko na siya.”

Pinasilip na rin sa Eat Bulaga! ang preparasyon sa simbahan kung saan ikakasal sina Vic at Pauleen pati na rin ang wedding reception venue.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN