Heart Evangelista reveals how much she charges for painting a Birkin bag

Heart Evangelista on painting Birkin bags: "Anyone can call me but, as of now, parang you also want to make sure that the market... You owe it to your clients na hindi masyadong maging flooded yung market so there's a way of doing it. Ang ginawa ko, like now, I'm working on five more bags and then I cut myself, I'll work on it again the next year. There's a wait list. Meron ako Instagram account, may contact details."


Kagabi, January 29, ang formal opening ng Ocean Apart art exhibit ni Heart Evangelista-Escudero sa Artist Space ng Ayala Museum.

Sold out na agad ang kanyang paintings sa exhibit na nagsimula ngayong araw, January 30, at matatapos sa February 9.

Fish Series ang theme ng mga bagong painting ni Heart dahil sa request ng kanyang ama na magpinta siya ng mga isda.

Lahad niya, “Noong bata pa ako nagpi-fishing kami ng daddy ko, so it’s a good memory, yung childhood ko.

“One time, nag-uusap kami ng daddy ko, sabi niya, ‘Mag-painting ka nga ng isda. It’s very lucky, parang moment natin ‘yan when you were a child. Kung mag-painting ka, ako ang mag-cut ng ribbon.’

“So, nag-painting ako ng isda, yun ang reason."

DESIGNING BAGS. Bukod sa kanyang mga canvas painting, nakilala rin si Heart sa pagpipinta ng design sa Hermes bag.

Out of curiosity, itinanong ng PEP kay Heart ang “charge” sa bawat Birkin bag na pinipintahan niya. 

“It would be P90,000 a bag, pero hindi sa akin yung Birkin bags.

“Kung meron kang Birkin bag, you have it commissioned.

“For the Hermes bags, it would take two days to three days.

“It depends also sa availability ko kasi pina-prioritize ko talaga yung painting ko.”

May fear ba siya na baka magkamali siya sa pagpipinta sa high-end bag?

Sabi ni Heart, “Nananaginip ako sa gabi, yun pa rin ang nasa utak ko na nagkamali ako, lumaki na nang lumaki yung painting ko.

“But I haven’t committed a mistake pa naman.

“Satisfied sila, happy sila.

“Sometimes, I get callers from Hong Kong, Singapore… may mga Hermes blogs na nagpi-feature sa akin.”

Dagdag ng Kapuso actress, “Hermes is very supportive.

“In fact, I did an event with them. They invited all my clients na may painted Birkins.

“So, lahat ng nasa guest list, pagdating, puro painting yung bags nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Very supportive sila. Nakakatuwa.

“Anyone can call me but, as of now, parang you also want to make sure that the market...

“You owe it to your clients na hindi masyadong maging flooded yung market so there’s a way of doing it.

“Ang ginawa ko, like now, I’m working on five more bags and then I cut myself, I’ll work on it again the next year.

“There’s a wait list. Meron ako Instagram account, may contact details.

“I painted on about forty bags already.

“Yung next exhibit ko, I will feature all my painted bags.

“Break muna ako, next year na uli ako tatanggap.”

RENEWAL OF VOWS. Napag-usapan din ang plano na renewal of vows ni Heart at ng kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero sa kanilang first wedding anniversary sa February 15.

Ayon kay Heart, hindi na matutuloy ang kanilang balak dahil sa eleksyon sa May 2016.

“Hindi na kami magre-renewal of vows kasi kahit gusto namin, eleksyon, parang mabibigyan lang ng kulay. Mawawala lang yung moment.

“Hihintayin na lang namin na matapos yung lahat.

“Happy na naman ako. Okey na kami, I can’t ask for anything else.

“That can wait.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN