Pauleen Luna to her groom Vic Sotto: "I found my home in you."

"It's really so hard to move out kasi for 27 years, sila yung kasama ko. I'm so excited to be with Vic. Pero siyempre, at the same time, siyempre mahal na mahal ko yung pamilya ko," said Pauleen Luna, who got emotional during Eat Bulaga!'s special coverage of her wedding preparation today, January 30.


Hindi maiwasang maging emosyunal ni Pauleen Luna, 27, ngayong araw ng kasal nila ni Vic Sotto, 61.

Ito ay sa kadahilanang nakakaramdam siya umano ng separation anxiety, dahil mawawalay na siya mula sa kanyang mga magulang at kapatid.

Naiiyak na lahad ni Pauleen, "It's really so hard to move out kasi for 27 years, sila yung kasama ko.

"I'm so excited to be with Vic.

"Pero siyempre, at the same time, siyempre mahal na mahal ko yung pamilya ko.

"Dun ako nahihirapan."

Base ito sa panayam nina Ryan Agoncillo, Lola Nidora (Wally Bayola), at Lola Tidora (Jose Manalo) kay Pauleen sa special wedding coverage ng Eat Bulaga! ngayong araw, January 30.

Ayon kay Pauleen, isang buwan pa bago sila makakalipat ni Vic sa bagong-gawa nilang bahay sa Laguna.

Pagkatapos ay pinasilip ni Pauleen ang hitsura ng loob at labas ng bahay nila ni Vic.

Dagdag pa ni Pauleen, sa Alabang house muna ni Vic sila maninirahan pagkatapos ng kasal, habang inaayos pa nila ang finishing touches sa kanilang bahay sa Laguna.

ANSWERED PRAYER. Nang hingan siya ng mensahe para sa kanyang groom, sinabi ni Pauleen na "answered prayer" ang pagpapakasal nila ni Vic.

Pahayag niya, "I'm very open kay Vic.

"Feeling ko, parang nabibingi na siya sa akin. I really speak my mind and my heart.

"I don't think there's anything else na hindi ko pa nasasabi [sa kanya]."

Pagpapatuloy pa ni Pauleen, "But we've prayed for this for quite a while. Marami na tayong napagdaanan.

"I'm just so blessed that I'm sharing this life with you.

"And I am so happy that I found my home in you."

Nauna nang nagbigay ng mensahe si Vic para kay Pauleen, at excited na rin ang TV host-comedian na ganap sila maging mag-asawa ngayong hapon.

Read: Vic Sotto's wedding gift to Pauleen Luna: A promise of forever

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEDDING DETAILS. Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita rin ni Pauleen ang kanyang wedding gown na idinisenyo ni Francis Libiran.

Fresh and natural naman ang peg ng make-up artist na si Mickey See para sa wedding look ni Pauleen.

Nagpapa make-up na ang bride :) #MrAndMrsSotto

Posted by Eat Bulaga on Friday, January 29, 2016


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN