TV5 reporter MJ Marfori and GMA-7 reporter Oscar Oida tie the knot

TV5 entertainment reporter MJ Marfori marries GMA News reporter Oscar Oida in a Catholic ceremony held at San Agustin Church this Saturday afternoon, January 30.


Officially Mrs. Oscar Oida na ang TV5 entertainment news reporter na si MJ Marfori.

Naganap ngayong hapon, 3 P.M., sa San Agustin Church, Intramuros, Manila, ang pag-iisang dibdib nina MJ at Oscar, na reporter naman ng GMA News.

Pinaghalong showbiz at pulitika ang Oida-Marfori Nuptials dahil mga principal sponsor sina TV5 Chairman Manny Pangilinan, GMA Network CEO Atty. Felipe L. Gozon, Senator Bongbong Marcos, Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, former MMDA Chairman Francis Tolentino, Mike Enriquez, Mel Tiangco, Vicki Morales, Luchi Cruz-Valdes, Lolit Solis, Lhar Santiago, Arnold Clavio, at Cristina Gonzales-Romualdez.

Secondary sponsors sina Derek Ramsay, Bianca King, IC Mendoza, at ang mga kapwa reporter na kasamahan nina MJ at Oscar sa TV5 at GMA-7, respectively.

Dahil sa presence ng mga kilalang personalidad, inakala ng mga nag-uusyoso sa San Agustin Church compound na ang pag-iisang dibdib nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang nagaganap

Kasalukuyang nagaganap ang wedding reception nina Oscar at MJsa Palacio de Maynila.

Naririto ang lola ni MJ na si former First Lady Imelda Romualdez-Marcos, at ang mga kamag-anak at kaibigan ng bagong kasal na hindi nakarating sa simbahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN