Ellen Adarna explains why Ejay Falcon stopped courting her: "Hindi pa ako ready."

Ellen Adarna on Ejay Falcon: "I'm different from the other girls he's dated. And klinaro ko yun when he made ligaw na, 'You know what, okay lang sa akin na manligaw ka, pero I'm gonna do what I want. I'm not gonna change for you. If I change, choice ko yun. So, manligaw ka lang.' Maybe I'm different. Sometimes he reacts to things."


Inamin na rin sa wakas ni Ellen Adarna na niligawan siya ng co-star niya sa Pasion De Amor na si Ejay Falcon habang ginagawa nila ang nasabing early primetime series ng ABS-CBN.

Inamin din ni Ellen na nahinto ang panliligaw sa kanya ni Ejay at nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.

Hindi nilinaw o ipinaliwanag ni Ellen ang rason ng kanilang tampuhan dahil nagkaayos din naman daw sila.

Sa pagitan daw ng buwan ng September at October nong nakaraan taon sila nagkaayos ni Ejay.

May kinalaman ba sa trabaho ang rason ng tampuhan nila?

Sagot ni Ellen, “Because I am not ready yet. I’m still not ready.”

Ano ba ang kinaisan niya kay Ejay?

Paglilinaw niya, “Wala. Actually, hindi naman siya ano... ako lang yung naiinis. Kasi parang hindi lang ako ready.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ellen matapos ang presscon proper ng Pasion De Amor kahapon, January 29, na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

“I HATE LOVE.” Itinanggi ni Ellen na may tampuhan na sila ni Ejay kaya niya ito iniwan sa Star Magic Ball nung nakaraang taon.

“No, no... wait lang... around that time, but it wasn’t na dahil sa Star Magic.”

Hindi raw talaga handang magpaligaw si Ellen kaya hindi niya hinayaang magpatuloy pa si Ejay.

“Even until now, ayokong... I hate love. Wala ako sa mood.”

Sinabi naman daw niya kay Ejay na hindi pa siya ready.

Paliwanag pa ni Ellen, “Actually, nung time na yun, kaka-break ko pa lang sa boyfriend ko and then I was open to date different guys. 

“That’s why I dated Ejay, to be fair with others.

“So, I realized na hindi pa talaga ako ready kaya I cut him.”

Wala raw kinalaman ang pagiging immature ni Ejay base sa naging deskripsiyon niya sa aktor sa kalagitnaan ng show nang magkaroon ng presscon ang ABS-CBN para sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Giit ng aktres, “No, because I’m not ready. 

“Maybe naano ako kay Ejay because I’m different from the other girls he’s dated. 

“And klinaro ko yun when he made ligaw na, ‘You know what, okay lang sa akin na manligaw ka, pero I’m gonna do what I want. I’m not gonna change for you. If I change, choice ko yun. So, manligaw ka lang.’

“Maybe I’m different. 

“Sometimes he reacts to things. Parang, ‘O, hindi ako nag-aano dito, ha?’

“I made it clear from the start. So, yun, parang naiinis ako. 

“’Hindi mo ba nagi-gets?’ So, kailangan ko pang sabihin sa kanya yun.”

BASTED? Binasted ba niya si Ejay?

Sagot niya, “No naman. I didn’t say no.”

Pero natatawang dugtong niya, “Yeah!”

Paano niya sinabi kay Ejay na huwag na itong manligaw sa kanya?

Sabi ni Ellen, “I don’t remember anymore. Actually, hindi ko na maalala. 

“He stopped. And then, one time, nag-usap na lang kami. 

“Gusto niya akong kausapin and then wala na. Hindi na ako ready.”

May isang buwan pa silang magti-taping at, ayon kay Ellen, tingnan nila sa loob ng panahon na yun hanggang sa natapos na ang kanilang soap kung ano ang mangyari.

Binibigyan niya ba ng pag-asa si Ejay na ligawan siya ulit nito?

“Hindi ko naman sinasabing no, no, no. 

“Kasi, the more you say it, baka doon pa mag-ano.

“But I’m not open now. Hindi nga ako nag-e-entertain ng iba. 

“I’m not so sure nga what I want.”

Wala rin daw nararamdaman o naoobserbahan si Ellen na gusto siyang ligawan uli ni Ejay.

“Alam ko kasi hindi pa kami nag-uusap about that. 

“For us, it’s still sensitive pa. Kasi bago pa lang, wala pang one year.”

Paano siya niligawan noon ni Ejay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We go out on dinners. Nagbibigay palagi ng food sa set. 

“But it’s once a week kasi we always see each oher sa set.”

Inamin ni Ellen na nagkaroon din sila ng problema ni Ejay sa set.

“For me, it did. Kasi may mga times talaga na nagkakailangan kami. 

“Nakakainis... for me, ha? 

“But now, we got over it. 2016 na, okey na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN