James Reid, Nadine Lustre spotted holding hands while sleeping in the plane

James Reid and Nadine Lustre get cozy during their flight to Isabela earlier today, January 30.


Mabilis na kumalat sa social media ang larawan nina James Reid at Nadine Lustre (JaDine) na magkahawak-kamay habang natutulog sa loob ng sinasakyang eroplano.

Kuha ang naturang larawan sa kanilang flight patungong probinsiya ng Isabela bandang tanghali ngayong Sabado, January 30.

Hindi maiwasang kiligin ang libu-libong JaDine fans na panay ang repost ng larawan ng dalawang Kapamilya stars.

Lalo't marami pa ring umaasang maging totohanan ang relasyon nina James at Nadine, na gumaganap bilang mag-asawa sa ABS-CBN primetime teleserye na On The Wings of Love.

Gayunman, nakunan din ng video sina James at Nadine na tila normal na magkaibigan lamang ang kilos habang pababa sila ng eroplano.

James and Nadz arrival. #tenementgang #jadine

A video posted by tenementgang (@tenementgang) on

Mayroon pang isang video na nagpapakita ng mainit na pagsalubong sa kanila ng ilang fans sa airport.

Kabilang sina James at Nadine sa celebrity guests para sa Bambanti Festival na kasalukuyang ginaganap sa sports complex ng Iligan, Isabela.

Sa February 2016 issue ng YES! Magazine, mismong si Nadine ay inaming mayroon siyang “unconditional love” para kay James.

Likas din daw na maalaga si Nadine kaya natural sa kanyang asikasuhin si James sa set ng kanilang show.

Gayunman, nilinaw ni Nadine na hindi pa higit sa pagiging magkaibigan ang relasyon nila ng kanyang leading man.

Read: Nadine Lustre on possible romance with James Reid: "May chance naman po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN