Vic Sotto on wife Pauleen Luna: "From number 5, number 2 na siya ngayon sa buhay ko."

Vic Sotto on calling Pauleen Luna his 'asawa': "Ang sarap sabihin, e. Hindi ako sanay, ha! Pero ang sarap pala sabihin. Sanay ako sa mga dyowa lang, sa mga syotitay, syota, mga fling. Masarap pala sabihin yung asawa ko."


“From this day forward, you will be the number two in my life.”

Ito ang isa sa linyang binitiwan ni Vic Sotto para kay Pauleen Luna sa kanilang Exchange of Vows sa reception ng kasal nila na ginanap sa Filinvest Tent, sa Alabang, Muntinlupa, nitong Sabado ng gabi, January 30.

Nagsimula si Vic na magpatawa sa kanyang mensahe na hindi raw niya mapapantayan ang madamdaming mensahe ni Pauleen sa kanya.

Parang hindi raw niya kayang tapatan ang mga sinabi ni Pauleen.

Read: Pauleen Luna to Vic Sotto: "Thank you for fighting for me."

Pero naging seryoso na ito nang magsimula na siyang magbigay ng mensahe sa kanyang asawa.

Saad ng 61-year-old comedian-TV host, “So many things I want to say, that I can say that I want to tell you.

“So many ways that I want to show you how much I’m thankful for loving me.

“So many ways to say I love you and will love you, will always love you. Pero to sum it all up, to summarize it.

“I want to tell you something: from this day forward, you will be my number two in my life.”

FROM NO. 5 TO NO. 2. Napangiti si Pauleen dahil nagkakaintindihan pala sila ng priorities ni Vic sa kanyang buhay.

Sabi ni Pauleen, dati raw ay number 6 lang siya na kinorek niyang number 5 pala.

Paliwanag ni Vic, “I’m talking about my priorities in my life.

“Dati kasi, sabi nga niya... actually, number 6 siya, binola ko na number 5 ka.”

Sumingit si Pauleen na ang number 5 talaga ni Vic ay golf.

Patuloy pa ng Eat Bulaga! host, “Number one, of course God.

“Number 2, my children. Number 3, my family.

“Number 4, my job, nandun na rin my career.

“Number 5, golf. Number 6, siya.”

Tumatango si Pauleen na sinabing naintindihan daw niya yun.

Sabi pa ni Vic, “Medyo nagtatampo, binola ko na lang sabi ko, ‘Number 5 ka. Mas importante ka sa golf, siyempre.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya every time na we talked, ‘O, may number 6 ka ba bukas? Tinatanong niya kung may golf ako bukas.”

Sabi naman ni Pauleen, masaya na siya dahil nataasan na niya ang golf.

Patuloy ni Vic, “So, from number 5, number 2 na siya ngayon sa buhay ko.

“Which means that I love you and I will take care of you, and I wanna thank you, you and your family.”

Bumaling si Vic sa mga anak niya para humingi ng paumanhin dahil bumaba na sila sa mga priorities nito.

“Mga anak, pasensiya na, bumaba kayo nang konti. From number 2 nagiging number 3 na kayo.

Nag-thumbs up naman si Oyo Sotto, ang pangalawa at bunsong anak ni Vic sa una niyang asawa na si Dina Bonnevie.

VIC’S CHILDREN. Patuloy ng komedyante, “Sabi ko nga sa aking mga anak, ‘Pasensiya na.’

“Pero ako’y buong-pusong nagpapasalamat sa inyo.

“I always say na it was not that easy for all of us na tanggapin ang kung ano man.

“Pero in this instance, naramdaman ko kung gaano niyo ako nirerespeto.

“Hindi lang yung basta na sinasabi na ‘we respect,’ pero naramdaman ko talaga deep in my heart yung respeto niyo sa akin mga anak ko.

“And, yung pagmamahal niyo sa akin, damdam na damdam ko talaga.

“And alam ko na hindi mahirap mahalin yung aking asawa.”

Natatawa uli si Vic dahil doon daw niya napagtanto na ang sarap pala ng may sinasabi kang “aking asawa.”

“Ang sarap sabihin, e. Hindi ako sanay, ha!

“Pero ang sarap pala sabihin.

“Sanay ako sa mga dyowa lang, sa mga syotitay, syota, mga fling.

“Masarap pala sabihin yung asawa ko.”

Nagpalakpakan ang lahat sa sinabing iyon ni Vic.

Dagdag niyang kuwento, “Yung sa bachelor’s party ko, ang sinabi kong rason kung bakit ako’y mag-aasawa dahil lang sa inggit.

“Inggit ako kay Pareng Joey [de Leon], e. Inggit ako kay Tito [Sotto].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mga anak kong may asawa, nakita ko sila kung gaano kasarap, how happy they are.”

Muli siyang humarap sa mga anak niya para muling magpasalamat.

“Seriously, Danica, Marc, Oyo, Tin, Vico, Paulina and Jed [boyfriend ni Paulina], thank you and hindi ko sasayangin yung respeto at pagmamahal na ibinibigay niyo sa akin.

“I love you very much. Kahit na number 3 kayo, I will still love you that much.

“And to you, my asawa, my number 2, I love you forever.”

PAULEEN’S PARENTS. Bago natapos ang programa, nagbigay ulit ng mensahe si Vic sa mga magulang ni Pauleen.

Natatawa siyang nagpahayag na hindi pa rin daw niya alam kung paano tawagin ang Mommy at Daddy ng kanyang asawa.

Mas matanda pa raw siya, kaya parang hindi raw niya kayang tawaging “Mommy” at “Daddy.”

“Pare na lang, puwede ba?” sabi ni Vic sa ama ni Pauleen.

“Kung tawagin namin si Mommy Chat, Mother Lu, Mother Luna.

“Pero matagal na akong nagku-contemplate, ano kaya ang itawag ko kay Father Lu?

“E, para lang kaming magkumpare!” natawang sabi ni Vic, na ikinatawa rin ng lahat ng nasa venue.

Sabi naman ni Vic sa nakababatang kapatid ni Pauleen na si Miguel Mario Luna, “And to my brother-in-law, Miki. Huwag ka mag-alala, hindi naman mawawala si Pauleen sa inyo.  

“Thank you so much for accepting me sa inyong family. Thank you for the love, sa buong pamilya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN