Maine Mendoza explains why Alden Richards did not attend Vic-Pauleen wedding reception

"He really wanted to stay the whole time but something came up so he wasn't able to make it to the reception," paliwanag ni Maine Mendoza sa mga nang-iintriga kung bakit wala ang ka-love team niyang si Alden Richards sa reception ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna.


Dinepensahan ni Maine Mendoza ang ka-love team niyang si Alden Richards laban sa mga nagkukuwestiyon kung bakit wala ang Pambansang Bae sa reception ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna noong Sabado ng gabi, January 30.

Dumating si Alden sa mismong wedding ceremony na ginanap sa St. James The Great Parish sa Ayala, Alabang, kung saan sila pa ni Maine ang magkatuwang sa offertory.

Pero hindi na pumunta ang Kapuso actor sa reception na ginanap sa Filinvest Tent, sa Alabang, Muntinlupa.

Dahil dito ay may ilang netizens at AlDub fans ang tila nagtampo at binigyan ng ibang kahulugan ang hindi pagsama ni Alden kay Maine sa reception; na wala raw talagang oras ang aktor para sa kapareha.

Ngunit sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay ipinaliwanag ni Maine kung bakit hindi na sumama si Alden sa reception ng Vic-Pauleen wedding.

Nakiusap din siyang tigilan na rin sana ang pagne-"nega."

Isa sa posibleng dahilan kung bakit hindi na sumunod sa reception si Alden ay dahil kinailangan nitong mag-rehearse para sa song-and-dance number niya sa Sunday Pinasaya nitong Linggo, January 31.

Pagkatapos ng nasabing production number niya ay iginawad kay Alden ang triple platinum award para sa kanyang album na Wish I May at platinum award para sa kanyang single na "Wish I May."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN