Ash Ortega says she's ready to be bashed by BiGuel fans

Ash Ortega says she's ready to be bashed by fans of Bianca Umali and Miguel Tanfelix, because she plays the third wheel in their love triangle in GMA-7's new series, Wish I May: "I know it's part of this world, so hayaan ko na lang silang mag-bash."


Handa raw si Ash Ortega na ma-bash ng mga fans at solid supporters ng tandem na BiGuel nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Si Ash kasi ay gumaganap bilang si Eunice na ka-love triangle nina Bianca bilang si Carina at Miguel bilang si Tristan sa bagong GMA-7 teleserye na Wish I May.

Ayon sa Kapuso young actress, “Siyempre, sa industry naman na ito, hindi naman maiiwasan ang mga bashers.

“Kahit naman ngayon bina-bash na ako ng mga tao, na nagsasabi ng negative comments pero deadma lang ako.

“I know it’s part of this world, so hayaan ko na lang silang mag-bash.”

Naranasan na raw naman ni Ash na ma-bash.

Sumasagot ba siya sa mga bashers?

“Hindi po.

“Pati nga yung KathNiel fans na-bash na rin ako e,” bulalas ni Ash, na ang tinutukoy ay ang mga tagahanga ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Meron lang kasing... na-misunderstood lang ng isang press sa Cebu na sabi, ‘Do you find yourself prettier than Kathryn Bernardo?’

“Tapos sabi ko, ‘No, she’s prettier.’

“Pero nakalagay dun [sa write-up], yes. Baligtad!”

Bakit “Yes” ang inilagay kung “No” ang sagot niya?

“Hindi ko nga po alam, e. Kasi thru email ko lang sinend. Ayun, may nakakita.

“Actually, hindi ko nga alam yung tabloid na yun kasi sa Cebu, newspaper sa Cebu.

“Tapos, nagulat na lang ako may mga namba-bash sa akin, ‘Sino itong kutong-lupang ito?!’

“Sabing ganun sa akin.”

Matagal na raw naman itong nangyari.

“Actually… two years ago? Matagal na siya.

“Ayun, deadma lang ako. Hindi po ako sumagot, hinayaan ko lang sila.

“Mga three days na nagba-bash, tapos ini-scroll ko lang, hindi ko pinapansin.”

NOT JEALOUS OF GABBI. Samantala, hindi raw nagmamadali si Ash na i-launch bilang bida in a solo project.

Kung ano raw ang ibigay sa trabaho sa kanya ng GMA at ng GMA Artist Center ay ayos lang sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw siya nai-insecure kay Gabbi Garcia na sa ngayon ay tila mas nabibigyan ng atensiyon ng GMA Network.

Ilang beses nang nagbida ang GabRu tandem nina Gabbi at Ruru Madrid.

Sabi ni Ash, “Me and Gabbi, natutuwa ako nagkakasundo kami, pati si Ruru.”

Sila ni Ruru ang unang nagkapareha sa indie movie na Bamboo Flowers. Kaya biniro namin si Ash na “inagaw” ni Gabbi sa kanya si Ruru.

“Hindi naman po siguro inagaw!” tawa niya.

Alam ni Ash na may nakalaan na ka-loveteam na nararapat para sa kanya.

Sabi niya, “And I think nag-work naman yung GabRu, marami rin namang fans yun.

“I think kung hindi takaga kami ni Ruru as love team hindi talaga.

“I support GabRu rin naman, e. Kasi mga kaibigan ko sila.

“At saka no, I’m not in a hurry, I’m not in a rush naman kasi bata pa naman ako.

“Seventeen years old pa lang ako.

“Marami pang puwedeng mangyari sa akin dito sa GMA.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN