Coleen Garcia denies she was kicked out of It's Showtime because of attitude problem

Coleen Garcia on her It's Showtime family: "Nanghihinayang ako kasi dahil sa mga kasama ko dun at ang tagal ko na din dun. Parang family ko na rin talaga sila... And I'm very happy na maganda na naman ang ratings ng show. Saksi ako kung paano ulit nila pinaganda yun."


Kinumpirma ni Coleen Garcia na wala na siya sa daily noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime.

"Yeah, I'm no longer with them.

"Ano kasi, parang it only became official now.

“And the entire half of 2015, hindi na ako masyadong pumapasok.

"I mean, mabibilang ko, like, when my hairstylist sent me the bill, grabe, mabibilang mo na lang talaga kung ilang beses na lang akong pumasok.”

Paliwanag pa niya, "Ang nangyari kasi, it's also unfair to the show, and sa friends ko sa It's Showtime, na sabihin ko na kabilang ako, tapos di ko naman siya napa-prioritize.

"Kumbaga, hindi ko siya nagagawang commitment, and I can't commit myself to the show.

"Kaya napagdesisyunan ng management na mag-focus muna ako sa acting.

"Kasi, mas naggu-grow din ako dun [sa pag-arte]."

Patuloy pa ni Coleen, "Yung iba kasi, actually, sa Showtime, nagkakaroon din ng ibang projects din naman.

"Like si Vice, nagkaroon siya ng para sa MMFF [Metro Manila Film Festival]. Sina Anne [Curtis], meron din projects.

“Pero after that, natatapos din naman agad.

"Yung sa akin kasi, pinagsabay ko pa ang movie at teleserye noon, tapos now, may movie ulit

"So, I don't know if I would still be a part of the show, di ko rin alam."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coleen sa farewell presscon ng afternoon series na Pasion De Amor, na ginanap sa Dolphy Theater, noong January 29.

ATTITUDE PROBLEM. Mariin namang pinabulaanan ni Coleen ang isyu kaya siya natanggal sa show ay dahil diumano mayroon siyang attitude problem.

Giit ni Coleen, "Ay, hindi, hindi!

"Alam mo sa Showtime, sa tagal naming magkakasama, we have little falling outs with everyone, may mga nagkakatampuhan sa isa’t isa, pero it was never a reason to take somebody out of the show.

"Hindi talaga yun.

"At saka, yung naririnig ko nga na may attitude problem, wala naman silang specific na masabi na ginawa ko, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And the same time, it doesn't bother me naman.

"Basta kung ano ang nangyari, it was some kind of mixed emotions, cause I saw it coming.

"I mean, papunta na talaga yun dun, e, kasi nahihirapan na rin kami sa schedule.

“Kasi it's some kind hard to plan kasi may mga projects na hindi ako puwede, kasi nga I'm committed to one daily show."

HAPPY FOR THE SHOW. Nanghihinayang naman daw si Coleen sa pagkawala niya sa It’s Showtime, lalo na nga't sa programang ito siya mas nakilala ng mga manonood.

Saad ng Kapamilya actress, "Nanghihinayang ako kasi dahil sa mga kasama ko dun at ang tagal ko na din dun. Parang family ko na rin talaga sila.

"Hindi lamang parang pamilya, kundi talagang pamilya ko na sila, na mas madalas ko pa ngang makita kaysa sa sarili kong pamilya.

"Kasi, like, almost five years din ako with them.

"I'm still part of their group chats, so nakikita ko pa rin yung uploads nila.

“And I'm very happy na maganda na naman ang ratings ng show.

"Saksi ako kung paano ulit nila pinaganda yun."

Ano ang reaksiyon ng kanyang boyfrend na si Billy Crawford, na part pa rin ng It' Showtime, sa pag-alis niya sa programa?

Saad ng 23-year-old actress-TV host, "At first sad, kasi nga, di na kami magkikita araw-araw sa show.

"Pero after nung mag-usap kami, he knows naman what's in my heart.

"Nakikita naman niya halos araw-araw yung pagod at hirap na pinagdaanan ko dati, na hindi na talaga ako natutulog.

“Kasi, kailangan ko pa ring mag-report sa show on the days na wala akong shooting noon.

"Nahirapan din ako during that time last year, so, in a way, it's also a relief.

“So I can focus really on this job I really love already."

IS SHE GOING BACK? Ngayong magtatapos na ang Pasion De Amor sa February 26, puwede na bang bumalik si Coleen sa It’s Showtime?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "I guess, that's the management's decision already.

"You know, I can't guarantee na I will be back.

“Kasi nung time na nagpu-promote ako ng movie [Ex With Benefits], naggi-guest-guest pa rin ako nun.

"Tingnan mo, mainstay ako nun, pero pa-guest-guest lang ako.

"Pero I'm sure, makakapag-promote pa rin ako sa show para sa movie namin ni Ms. Dawn [Zulueta] and Piolo [Pascual], kasi it's part of our promo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN