Ejay Falcon realizes he and Ellen Adarna are better off as friends than a couple

Ejay Falcon on his past issue with Ellen Adarna: "Noong dati kasi, nagkaroon talaga kami ng hindi pagkakaunawaan. Iyon ang ibang tension, iyon ang nakakatakot na tension. Sana sexual tension na lang."


Mas okay daw para kay Ejay Falcon na maging magkaibigan na lang talaga sila ng kanyang Pasion de Amor leading lady na si Ellen Adarna.

Nanligaw si Ejay kay Ellen habang ginagawa nila ang naturang ABS-CBN teleserye, ngunit nagkaroon ng problema sa pagitan nila kaya matagal din silang hindi nagpansinan.

Pero maayos na raw ang lahat sa pagitan nila ngayon at naging maganda na ulit ang pagtatrabaho nila.

Sabi ni Ejay, “Oo, parang feeling ko, mas masarap iyong trabaho pag ganun kami [bilang magkaibigan].”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa farewell at thanksgiving presscon ng Pasion de Amor noong Enero 29, sa Dolphy Theater, sa loob ng ABS-CBN compound.

Ngayong maayos na ulit sila, ayaw na ba talagang ituloy ni Ejay ang panliligaw kay Ellen?

“Actually, ngayon wala… kasi nandito ako sa okay kami, masaya kami na ganito kami. Ayaw ko munang isipin.

“Pero hindi rin natin masasabi, after ng show… hindi ko talaga masasabi sa ngayon.

“Basta ang importante, okay na okay kami.”

STAR MAGIC BALL ISSUE. Nilinaw rin ni Ejay ang nangyaring kontrobersiya noong isang taon sa kanila ni Ellen sa Star Magic Ball.

Nagkaroon kasi ng isyung magkasama sila sa red carpet pero pagdating sa loob ay iniwan na siya ni Ellen at ang sinamahan ng aktres ay si Paulo Avelino.

Lumabas tuloy na ito ang dahilan kung bakit matagal silang hindi nagpansinan.

Saad ni Ejay, “Noong dati kasi, nagkaroon talaga kami ng hindi pagkakaunawaan.

“Iyon ang ibang tension, iyon ang nakakatakot na tension.

“Sana sexual tension na lang,” biro niya.

Pagbubunyag pa ni Ejay, bago man ang Star Magic Ball ay hindi na sila okay ni Ellen.

“Actually, before pa lang [ng Star Magic Ball], yung presscon namin [para sa launching ng Pasion de Amor] iyon na yun, e.

“Talagang aaminin ko na na hindi talaga kami okay ni Ellen nung time na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, hindi talaga dahil kay Paulo?

“Ako, alam naming lahat na hindi dahil sa taong iyon. Hindi talaga.

“Sa amin, may problema ni Ellen.

“Hindi lang namin nasasabi sa mga tao, pero may ganun na talaga kaming problema ni Ellen nung time na yun.

“May tension at may mga hindi kami pagkakaunawaan talaga noong mga panahon iyon.”

Tumanggi namang magbigay ng detalye si Ejay tungkol sa totoong dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan noon.

Ang mahalaga raw ngayon ay nagkaayos na sila.

RECONCILIATION. Bigla nga lang daw silang nagkabati isang araw habang nasa taping ng Pasion de Amor.

Lahad ni Ejay, “Parang panahon na lang talaga ang nakapagsabi na maging okay kami.

“Bigla na lang parang nagtatawanan na lang kami sa set. Hindi na kailangan ng ‘Sorry, sorry.’

“Kasi si Ellen, ayaw niya ng ganun, e, yung seryoso masyado ang usapan.”

Kaya naman idinaan na lang daw niya ang pagso-sorry sa text.

“Sa text yata nasabi ko na dati pa na sorry. Tapos iyon, bigla na lang naging okay kami.

“One day biglang nagtatawanan na lang kami, kinukurot na niya ako.”

Sa ngayon, gusto lang ni Ejay na i-enjoy ang magandang samahan nila ni Ellen sa huling apat na linggo ng Pasion de Amor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN