Gladys Guevarra proud that her current BF is single after series of relationships with married men

Gladys Guevarra on falling for married men: "Hindi ko naman sinasadya, na-brand na ako nang ganun. Yung doctor na naging dyowa ko, married din yun. Although hiwalay, pero hindi pa annulled. Hiniwalayan lang at naging kami. Then, next, Janno Gibbs, married din. Hindi mo naman plinano. After niyan, yung musical director ko na nagkademandahan kami. Tapos yung huli ko na businessman, nahuli ko na may asawa rin! Ano ba 'to?"


Aminado si Gladys Guevarra na may lovelife siya ngayon, pero mas gusto raw niyang low-profile muna ang departamentong ito ng kanyang buhay.

Sabi niya, “Hindi katulad nung ginawa namin ang 4 Da Best [concert series in 2015], may love life din ako nun. 

“Pero ngayon kasi, pribado yung tao.

“So, ganun na muna.”

Kung may gusto man daw siyang mangyari ngayon, ito ay magkaroon ng anak.

Sabi ni Gladys, “Thirty-nine na ko, ‘Day! Kailangan ko na.

“Sabi ko nga, whoever comes, I won’t mind.”

May boyfriend naman siya, di ba?

“May boyfriend ako na pribado. Hindi pa naman yung, ‘Bagong boyfriend, anakan mo nga ako!’” natawang sabi ni Gladys.

Apat na buwan pa lang daw ang relasyon nila ng boyfriend niya ngayon.

Pero alam nito na gusto na niyang magkaanak?

Ayon sa komedyana, “Naihain ko na ang bahara ko.

“Alam niya yun, sabi ko, may tic-toc ako.

“Kaedaran ko rin siya, businessman.”

May sabit ba o single?

“Yun ang pinakamatindi ko ngayon,” pagmamalaking sagot ni Gladys.

“Unang-una, na-brand na akong ganun na hindi ko naman plano.

“Hindi ko naman sinasadya, na-brand na ako nang ganun.

“Yung doctor na naging dyowa ko, married din yun. Although hiwalay, pero hindi pa annulled.

“Hiniwalayan lang at naging kami.

“Then, next, Janno Gibbs, married din. Hindi mo naman plinano.

“After niyan, yung musical director ko na nagkademandahan kami. 

“Tapos yung huli ko na businessman, nahuli ko na may asawa rin! Ano ba ‘to?” natatawa niyang sabi.

Itong boyfriend niya ngayon, sigurado ba siyang single talaga?

“Hawak ko yung blue passport, e, charot!” sabi ni Gladys.

Posible bang ito na ang lalaking pakasalan niya?

“Di ba, sinabi ko kanina na nag-convert ako ng Victory? Noong matuto akong magdasal, sabi ko, ‘Ano ba ‘to, lahat na lang ng hinihingi ko, hindi para sa akin.’

“So, nagkasya ako na whatever is there.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nag-iba nga raw ang pananaw ni Gladys sa buhay nang pumasok siya sa Victory Christian Church.

“Ayoko sanang iano na ‘to, e, nag-convert po ako sa Victory, prayer-prayer po ako. 

“At may natutunan po ako sa sarili ko.

“The more kang maghahangad ng higit sa ibinibigay sa ‘yo, mas nawawaley.

“So, nagkakasya po ako, yung satisfaction na kung ano ang nandiyan, thank you.  Ayoko nang maghangad.

Aktibo pa rin siya sa Victory ngayon?

Sabi ni Gladys, “Hindi masyado kasi nagbabalik din ako sa Catholic. 

“Ang reason ko kung bakit ako nag-Victory, para ma-open lang ako sa gospel. 

“Kasi, sinasabi nila, kapag nagdarasal ka, hindi puwedeng hingi ka lang nang hingi.

“So ngayon, kung ano ang meron, thank you Lord.

“Kung may raket ako, thank you Lord, ganun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN