Mark Neumann finds it easier working with single Shy Carlos than the attached Shaira Mae

Mark Neumann on working with someone who has a boyfriend in real life, like Shaira Mae: "I'm not saying na talaga, but there's always a hindrance in some way. Even though hindi mo talaga gusto na may… Hindi naman hindrance, pero there's always gonna be something because she's attached to someone else, which is, you know, that's how it really is."


Tila mas okay raw ang sitwasyon ngayon para sa TV5 Kilig Prince na si Mark Neumann na walang boyfriend ang kanyang bagong ka-love team, ang Viva artist na si Shy Carlos.

Sina Mark at Shy ang magkapareha sa bagong Kapatid fantasy show na Carlo J. Caparas’ Tasya Fantasya, na magsisimulang umere sa February 6 sa TV5.

Ang una kasing naka-love team ni Mark sa TV5 na si Shaira Mae ay girlfriend ng Kapamilya actor na si Edgar Allan Guzman.

Sabi ni Mark, “Well, let’s say in a way [mas okay], yeah.

“Why? Of course, sometimes even though…

“I’m not saying na talaga, but there’s always a hindrance in some way.

“Even though hindi mo talaga gusto na may…

“Hindi naman hindrance, pero there’s always gonna be something because she’s attached to someone else, which is, you know, that’s how it really is.”

So, laging magkakaroon ng isyu at kontrobersiya, iyon ba ang ibig niyang sabihin?

“Yeah, most of the time.

“Even though I do miss Shaira and the old times.

“But if the management choice is this… well, the management knows what’s best on what to do with us.”

Nagkaroon ba ng isyu noon dahil sa pagkakaroon ng boyfriend ni Shaira Mae?

“Few times, a few times,” pag-amin ni Mark.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa pocket presscon ng Tasya Fantasya na ginanap noong Enero 29 sa Viva office, sa Philippine Stocks Exchange Centre, sa Ortigas, Pasig City.

SHY CARLOS. Kung anuman daw ang naging isyu sa kanila noon ni Shaira Mae, tila hindi naman daw ito mangyayari ngayon sa kanila ni Shy dahil single nga ang kanyang bagong leading lady.

“Well, she’s single naman po kaya no problem,” sambit pa ni Mark.

Kumusta namang katrabaho si Shy? Shy ba talaga si Shy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kabaligtaran, ang kulit niya!” sabay tawa ni Mark.

“Pero yung kulit na nakakatuwa. She’s the life… parang pag lahat pagod na, siya yung makulit.

“She’s really into her character, she does it professionally and hindi siya takot pumangit kasi she does it professionally.”

Paano sila naging kumportable sa isa’t isa kahit na magkaiba sila ng management?

Sagot ni Mark, “Well, I’m pretty close na with her, but I wanna get closer pa.

“Like I said, we’ll spend more time together. It was not hard naman to get close with her.”

FAN REQUEST. Samantala, muling nakausap ng PEP si Mark sa unang anibersaryo ng fan club niyang NeumanNation na ginanap sa Mc Donald’s sa Eugenio Lopez Ave., Quezon City, noong Enero 30.

Nakausap namin ang isang member ng NeumanNation na si Rudy Ann Arsolacia mula sa Las Piñas; kasama niya ang mga kanyang mga kaibigang members din ng fan club na sina Markie, Reycel, Angela, Fionna, at Izabelle.

Natutuwa nga si Rudy Ann na naging part siya ng celebration at fans day ni Mark.

Fan din daw siya ng Shark loveteam nina Shaira Mae at Mark, at request nga niya na sana ay magsama ulit ang dalawa.

Gayunpaman, susuportahan pa rin daw niya si Mark kahit na iba na ngayon ang leading lady ng kanyang idolo.

Ipinaabot namin kay Mark ang request na ito ni Rudy Ann at hiningi ang kanyang reaksiyon dito.

Sabi ng Kapatid star, “Well, I do miss Shaira kasi we spent a lot of times together with all the projects we made.

“Like what I said last time, yung management, they know what to do and what’s best for us.

“If we go separate paths, that’s for the best of us. Pero malay mo in the future, management might pair us again, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siguro naman daw ay maiintindihan ng fans nila ang kanilang sitwasyon ngayon ni Shaira Mae.

Wish lang ni Mark sa suportahan ng fans ang love team nila ni Shy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN