Chad Borja recalls bout with thyroid cancer

Chad Borja on his bout with cancer: "Naisip ko na lang that time, mawala na ang boses ko basta buhay ako. I had three daughters at ayoko silang iwan. Basta buhay lang ako kahit hindi na ako makakanta, okay lang. That's why I am very thankful because God did not just gave me a second chance to live, pero nandito pa rin ang boses ko."


Tatlong taon nang cancer-free ang singer na si Chad Borja pagkatapos ng kanyang 15-year battle with thyroid cancer.

Pahayag niya, “I’m very blessed to still be here kahit na dumaan tayo sa matinding pagsubok.

“When I was diagnosed with thyroid cancer in 1997, I really thought na katapusan na iyon. Dumaan ako sa matinding depression.

“Kasi naman, bakit sa may lalamunan pa? Ang pag-awit ang puhunan ko tapos doon pa ako nagkaroon ng cancer.

“But the doctors caught it sa early stage pa lang kaya I went through an operation para matanggal yung mass and went through chemotherapy.

“Naisip ko na lang that time, mawala na ang boses ko basta buhay ako.

“I had three daughters at ayoko silang iwan.

"Basta buhay lang ako kahit hindi na ako makakanta, okay lang.

“That’s why I am very thankful because God did not just gave me a second chance to live, pero nandito pa rin ang boses ko."

Dagdag niya, “I was able to see my daughters grow up during my recovery period.

"Now they are all grown up na. Their ages are 23, 15, and 12.

“God is good for giving me another chance at life.”

Bilang pag-iingat ay nagpapa-check up si Chad every six months at may maintenance medicine siyang iniinom.

Iniba na rin daw niya ang kanyang lifestyle.

“Ngayon, 8:30 P.M. pa lang ay tulog na ako. I wake up at 4 A.M. and I jog.

"I exercise daily at pati mga kinakain ko ay iniba ko na.

“Wala na ‘yung mga dating bisyo natin.

"Kailangan lang naman na magbago na tayo. Hindi na tayo bata.

"Fifty years old na tayo. Golden Boy na kaya dapat lang magbago na,” sabi ni Chad, na isa performers sa #LoveThrowback concert na gagawin on February 13 sa PICC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN