Tandem cast, director shocked by stories about JM de Guzman

Tandem stars Rochelle Pangilinan and Nico Antonio say that they had good working relationship with co-star JM de Guzman during their shooting. In fact, they were both shocked upon hearing the news that JM had been causing problems on the set of his recently-concluded TV series All of Me. Their MMFF New Wave entry will be shown in cinemas on February 17.


Ikinagulat daw nina Rochelle Pangilinan, Nico Antonio, at ng direktor na si King Palisoc ang balitang naging problema si JM de Guzman sa set ng katatapos lang na teleserye ng ABS-CBN na All of Me.

Kasama nina Rochelle at Nico si JM sa cast ng indie film na Tandem, na idinirek naman ni King.

Ang nasabing pelikula ay naging entry sa 41st Metro Manila Film Festival (MMFF) New Wave category at ngayon ay ipalalabas na sa mainstream cinemas simula sa February 17.

Sa pelikulang ito nakamit ni JM ang Best Actor Award para sa New Wave category ng MMFF.

Sa press conference ng Tandem ngayong Martes, February 2, sa Quezon City Sports Club, ibinahagi nina Rochelle, Nico, at Direk King na okay naman ang pakikipagtrabaho nila kay JM sa pelikula.

DIREK KING. Ayon sa direktor ng Tandem, hindi siya nakaranas ng kahit na anong problema sa aktor noong nagsu-shooting sila.

Sinabi rin niyang maaga silang nagsimula ng shooting noong March 2015.

Saad ni Direk King, “Noong nabalitaan ko nga po yung experience niya sa teleserye, sobra talaga akong nagulat.

"Kasi malayung-malayo yung experience namin habang ginagawa iyong pelikula.

“Sobrang noong tinanong niyo po kung kinailangan kong mag-adjust, ako, never kong na-feel na kailangan kong mag-adjust sa kanya or nag-tantrums siya.

“In fact, pansin ko nga, parang sobra siyang conscious tuwing nagsu-shoot kami, minsan siya pa magre-request ng safety.

“Pero in terms of behavior during the shoot, sobrang okay siya.

"And I think he was coming from That Thing Called Tadhana [2014]."

Sabi pa ni Direk King, bago pa man sila magsimulang mag-shooting ng Tandem ay nakausap na niya ang direktor ng That Thing Called Tadhana na si Antoinette Jadaone.

“Prior to shooting Tandem, kaibigan ko rin kasi sila Direk Tonette [palayaw ni Antoinette], kinumusta ko lang si JM.

"Sinabi nila they had no problems working with JM.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And truly enough, nung pumasok iyong shooting ng Tandem, sorbang okay iyong relationship namin.

“Actually, during nag-e-edit kami, nagkakausap pa kami, nagkakamustahan pa kami. And I think yung cast din.”

Ibinahagi rin ng direktor ang tuwa niya nang malamang nag-post si JM sa Instagram ng poster ng Tandem bilang pagpu-promote nito.

Ipinaalam din daw nila sa ama ni JM na nanalo siya bilang best actor para sa pelikula.

Saad ni Direk King, “Siyempre natuwa kami. Kasi actually kami, di na namin masyado nakakausap si JM.

“Actually, sobrang malaking tulong sa amin na kahit papaano, meron pa rin syang presence.

"Kasi, especially since sa Tandem, ito iyong pinakamagandang performance sa tingin ko na ginawa ni JM.”

NICO & ROCHELLE. Ayon naman kay Nico, na gumaganap na kapatid ni JM sa pelikula, hindi siya nagkaroon ng problema sa pag-shoot ng mga eksena nila noon ni JM.

“Okay naman po si JM, okay siyang kaeksena. Wala po siyang problema.

“Iyong sa All of Me, nagulat nga lang ako talaga.

"Kami, kahit si Rochelle nagulat din na bakit nagkakaganoon si JM, yung mga bulong-bulong sa set daw.

"Sa Tandem, wala kaming ganoon. Wala.”

Ayon pa kay Nico, madalas silang nagkukuwentuhan noon ni JM sa set tungkol sa ex-girlfriend ng huli na si Jessy Mendiola.

“Napaka-happy-go-lucky niya. Ang sarap niyang kakuwentuhan about his personal life, about Jessy.”

Sabi naman ni Rochelle naman, ngayon lang niya nalaman ang nangyari kay JM.

“Actually, nagulat ako, ngayon ko lang naman talaga nalaman! Hindi ko talaga po alam.

“Actually, nanghihinayang ako, nakakalungkot kung ganun nga talaga ang nangyari.

“At alam ko naman na ipagdadasal ko rin na makabangon at makabalik siya agad," asam ng Kapuso actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN