Chief Justice cites Supreme Court cases where foundlings are presumed natural-born Filipinos

Chief Justice Maria Lourdes Sereno (left) invokes several Supreme Court cases where certain personalities are considered natural-born Filipinos, without solely basing on blood relationship.  Quoting Duncan vs. CFI, Sereno said, "The law is not, and should not be made, an instrument to impede the achievement of a salutary humane policy..."


Nagbahagi si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ng tatlong resolusyon ng Korte Suprema kung saan idineklarang “natural-born Filipino” ang citizenship ng isang personalidad, na hindi lang basta pinagbatayan ang jus sanguinis o blood relationship.

Kaugnay ito ng ikatlong oral arguments sa Korte Suprema hinggil sa citizenship status ni presidential aspirant Senator Grace Poe.

PROOF OF PATERNITY AND FILIATION. Una na umano rito ang resolusyon ng Korte Supreme sa kasong Tecson versus Commission on Elections (Comelec), kung saan idineklara si Fernando Poe Jr., adoptive father ni Grace, na natural-born Filipino at maaaring kumandidato bilang presidente ng Pilipinas.

Ito ay sa kadahilanang nasasaklawan umano ng probisyong “en masse Filipinization” ang citizenship ng paternal grandfather ni FPJ na si Lorenzo Poe, base sa death certificate ng huli na may petsang September 11, 1954.

Sabi pa ni Chief Justice Sereno, base sa ulat ng GMA News Online kahapon, February 2, “The dearth of evidence here in Tecson did not prevent the Court from concluding the natural-born status of three generations of Poe males.”

Isa si Chief Justice Sereno sa 15 mahistrado na kabilang sa pagdinig ng oral arguments hinggil sa humigit-kumulang apat na disqualification cases laban kay Senator Poe.

STATUS OF FOUNDLINGS. Ginamit din ni Chief Justice Sereno ang resolusyon ng Korte Suprema sa kasong Duncan vs. Court of First Instance of Rizal (CFI), kung saan pinayagang ipaampon ang tatlong taong gulang na batang inabandona nang hindi nakikilalang ina.

Naaayon daw umano ito sa ngalan ng karapatang pantao at karapatang mabuhay sa mundo, base na rin sa desisyon ng Korte Suprema sa naturang kaso.

Bukod dito, inilatag din ni Chief Justice Sereno ang resolusyon ng Korte Suprema sa kasong Ellis versus Republic of The Philippines, kung saan binigyan ng jurisdiction ang korte sa isang inabandonang sanggol sa ospital.

Bagamat hindi natukoy kung sino ang biological mother nito, itinuring ang sanggol bilang “citizen of the Philippines” sa naturang resolusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMELEC'S POSITION. Sa kabilang banda, iginiit ni Comelec Commissioner Arthur Lim na ang kasong Duncan versus CFI ay tumutukoy sa proseso ng pag-ampon sa isang inabandonang sanggol at hindi sa citizenship nito.

Hindi rin sinang-ayunan ni Lim ang argumento ni Chief Justice Sereno na maituturing na citizens of the Philippines ang mga inabandonang sanggol kung walang sapat na ebidensiyang kokontra rito.

Sa kaso ni Senator Poe, nanindigan din si Lim na wala umanong isinumiteng sapat na ebidensiyang magpapatunay na natural-born Filipino ang senadora.

Sa unang pagdinig sa Korte Suprema, matatandaang ginisa ang abugado ni Poe hinggil sa residency at citizenship status ng senadora.

Read: Supreme Court probes citizenship, residency of Senator Grace Poe

Nakatakdang magkaroon ulit ng susunod ng pagdinig sa Korte Suprema hinggil dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN