Maine Mendoza answers hate tweets calling her "pangit, chaka, mukhang katulong"

Got bashers? Maine Mendoza deals with her hate tweets head-on. "Ano ba 'yan! Nakakainis na, ha! Paulit-ulit na lang. Wala na bang bago? Wala na ba? Boring na, e," says Maine in her Snapchat video last night, February 2.


Hindi natinag si Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) sa kabila ng sangkatutak na pangungutya na natatanggap niya sa social media.

Sa katunayan, isa-isa pang sinagot ni Maine ang ilan sa kanyang bashers na tinatawag siyang “pangit," "chaka," "malaki ang bunganga," at "mukhang katulong."

Base sa kanyang Snapchat kagabi, February 2, mapapanood si Maine na tila hindi apektado habang binabasa ang natatanggap niyang hate messages mula sa bashers sa Twitter.

Sabi ng isang basher: “Sobrang chaka mo. Laki ng bunganga mo.”

Kalmadong sagot ni Maine: “True 'yon. True 'yon.”

Sabi ng isa pang basher: “Bakit hindi ka pa mawala?”

Umaktong tila nag-isip pa si Maine at saka sumang-ayon: “Oo nga, 'no?”

Pangungutya pa ng isang basher: “Ipinanganak ka ba talagang pangit?”

Sabi naman ni Maine: “Pfft! Obvious ba?”

Hirit pa ng isang basher: “Bakit ang chaka mo?"

Sagot ulit ni Maine: “Hindi ko talaga alam, e.”

MORE HATE TWEETS. Si Maine ang kalahati ng phenomenal love team na AlDub (Alden Richards at Yaya Dub) mula sa sikat na "Kalyeserye" segment ng Kapuso noontime show Eat Bulaga!

Matatandaang unang nakilala si Maine sa social media dahil sa kanyang Dubsmash videos, kung saan sadyang eksaherado ang kanyang kilos at paggaya sa kung sinu-sinong personalidad.

Ilan pang bashers ang lumait sa pisikal na hitsura ni Maine, partikular na ang bibig ng actress-TV host.

Patuloy na pagbabasa ni Maine ng hate messages: “May ilalaki pa ba yung bunganga mo?”

Pagkatapos ay sadyang iminuwestra ni Maine kung paano palakihin ang kanyang bibig at saka sinabing, “Meron pa ba? Wala na yata. Todo na yata.”

Pangungutya ulit ng isang basher: “Mukha kang katulong ni Alden. Bakit hindi ka na lang mag-yaya? Bagay naman sa 'yo.”

Sagot ni Maine: “Alam mo, iniisip ko rin talaga yun, e. Puwede!”

Base sa mga sumunod na kataga ni Maine, malinaw na hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng pangungutya at mga negatibong mensahe sa kanyang social media accounts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Maine, “Ano ba 'yan! Nakakainis na, ha! Paulit-ulit na lang.

“Wala na bang bago? Wala na ba? Boring na, e.”

FUNNY GOOD NIGHT MESSAGE. Sa huli, muling ipinamalas ni Maine ang kanyang likas na kakulitan nang magpaalam siya sa kanyang Snapchat followers sa pamamagitan ng isang pampa-good vibes na video.

Pagkatapos niyang ihayag na oras nang matulog, inihayag ni Maine ang isang mensahe ng basher na nagsasabing “Huwag ka na mag-beauty rest. Wala ka namang beauty.”

Pakuwelang sumang-ayon pa si Maine sa kanyang basher: “Sabi ko nga hindi na ako matutulog. Hanggang mamaya na ako dilat, o!”

Umaktong puyat at dilat ang mata ni Maine at saka biglang ginulat ang kanyang Snapchat followers.

Sa kasalukuyan, mahigit 2.1 million ang followers ni Maine sa Instagram, at mahigit 3.18 million naman ang followers niya sa Twitter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN