Nora Aunor refuses to comment about "new Superstar" tag on Maine Mendoza

Nora Aunor on supporting Grace Poe's presidential bid: "Tuloy yun! Tuloy yun, hindi puwedeng hindi. Magra-rally akong mag-isa pag hindi natuloy!"


Tumangging magbigay ng pahayag si Nora Aunor kaugnay ng pagbansag kay Maine Mendoza bilang Superstar ng kasalukuyang panahon dahil sa phenomenal AlDub love team nila ni Alden Richards.

Ngunit sabi ng orihinal na Superstar, “Huwag na nating pag-usapan muna kasi hindi ko pa nakikilala, hindi ko pa napapanood.

“Hindi ko pa napapanood kaya…”

Sa mga kabataang artista, sino ang nakikita niyang malaki ang potensiyal na maging sikat na sikat na artista?

Ayon kay Nora, “Actually, marami, maraming ano…

“Ang alam ko lang na ano, yung mga nakakasama ko talaga, na magaling.”

Binanggit namin sa kanya ang apo niyang si Janine Gutierrez, na isa sa mga itinuturing na prinsesa sa bakuran ng GMA Network.

“Masaya ako para dun sa bata!” bulalas ng Superstar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nora sa taping ng GMA primetime series na Little Nanay nitong Martes ng gabi, February 2.

TAKING A BREAK. Malamang ay umabot pa hanggang Marso ang Little Nanay, pero napag-alaman naming ayaw munang gumawa ng teleserye ng Superstar pagkatapos nito.

“Huwag muna!” tawa niya.

Magpapahinga muna siya?

“Baka, baka gumawa… depende kung anong klaseng teleserye,” ang pagbawi niyang sagot.”

Samantala, muling iginiit ni Nora na ang susuportahan niya sa 2016 elections ay si Grace Poe, sa kabila ng mga isyu at kasong ibinabato rito ngayon.

“Tuloy yun! Tuloy yun, hindi puwedeng hindi.

“Magra-rally akong mag-isa pag hindi natuloy!” sabi ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN