Akihiro Blanco on status of relationship with Inah Estrada: "Hindi po kami. Pero I really like her."

Akihiro Blanco on what he likes about loveteam partner Inah Estrada: "Yung mukha siyempre, given naman na iyan e, talagang maganda siya. Yung gusto ko sa kanya yung panloob niya, yung sa ugali niya. Nakakatuwa siya kakuwentuhan, masayahing tao siya, mabait siya, pati sa mga fans napakabait niya. Napaka-down to earth niyang tao. Simple siya, para siyang hindi anak ng sikat na mga artista."


Biniro ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV5 Talent Center artist na si Akihiro Blanco kung sila na ba ng Star Magic talent na si Inah Estrada.

Present kasi si Inah sa get together at fans day ni Akihiro na ginanap noong Enero 30 sa Kalye Torrente Bistro, sa Phase 2 Vista Verde Executive Village, Cainta, Rizal.

Ang bistro ay pag-aari ng manager ni Akihiro na si Tyronne James Escalante with partners Aaron Ariola at Emil Miras.

Saad ni Akihiro, “Actually, itong get together para sa amin po talaga ito ni Inah.

“Siyempre gusto kong mag-thank you sa lahat ng pumunta.

“Ang nag-plan nito yung presidente ng fan club ko, ang AKXXX squad, at ang manager kong si Tyronne.

“Natutuwa ako kasi dumarami na ang AKXXX squad, bukod sa Manila chapter, meron na rin po sa Baguio at sa iba pang probinsiya.

“Kasi yung AKXXX squad, supporters na rin sila ng Team AKINAHtion ng love team namin ni Inah.

“Thank you rin sa Star Magic kasi pinayagan nila si Inah na makapunta dito,” sabi ni Akihiro nang makausap ng PEP.

Na-develop ang love team nina Akihiro at Inah nang una silang magsama sa Wattpad Presents: The Nerdy Girl Turns Into A Hottie Chick ng TV5.

Hanggang sa nasundan na ito ng Kapatid shows na Baker King at Wattpad Presents: The K-Pop Star and I.

GIRLFRIEND MATERIAL. Inulit ng PEP ang tanong kay Akihiro, kung sila na ba ni Inah.

Sagot niya, “Hindi po kami. Pero I really like Inah.

“Super close na kami at kapag nagtatrabaho kami sobrang kumportable na talaga kami sa isa’t isa.”

Pero may posibilidad bang ligawan niya si Inah in the future?

“Hindi natin alam. Hindi ko rin kasi masasabi iyon, e.

“Kasi para sa akin, yung sa aming dalawa… ewan ko, kasi pag nagtatrabaho kami, iba, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro doon lang lumalabas yung kilig, yung love, kasi kailangan sa eksena.

“Pero in real life, wala, hindi ko pa masasabi, e.”

Pero girlfriend material ba para sa kanya si Inah?

“Oo naman, girlfriend material siya.”

Ano ba ang gusto niyang qualities ni Inah?

“Yung mukha siyempre, given naman na iyan e, talagang maganda siya.

“Yung gusto ko sa kanya yung panloob niya, yung sa ugali niya.

“Nakakatuwa siya kakuwentuhan, masayahing tao siya, mabait siya, pati sa mga fans napakabait niya.

“Napaka-down to earth niyang tao.

“Simple siya, para siyang hindi anak ng sikat na mga artista.

“Alam ko naman na yung family niya ay mabait din talaga, e, yung parents niya mababait din.”

MEET THE PARENTS. Na-meet na nga ni Akihiro ang parents ni Inah na sina John Estrada at Janice de Belen sa magkahiwalay na pagkakataon.

Maayos naman daw ang pagkikita nila ng mga magulang ni Inah at sabi pa ni Aki ay mabait daw ang mga ito sa kanya.

Kuwento ni Akihiro, “Si Tito John, na-meet ko sa isang radio station, mabait din.

“Si Tita Janice nagkita rin kami, kasi one time nagbebenta sila sa UP Town Center ng cookies, e.

“Napadaan ako doon, bumili ako kina Tita Janice at Tita Gelli de Belen ng mga cookies. Tapos nandoon din si Inah, nagkita rin kami.

“At saka si Tita Gelli kasama ko rin sa show, sa Happy Truck ng Bayan.”

Gaano katotoo na kinausap daw siya ni John tungkol kay Inah?

“A, oo, sinabi lang niya na, ‘Ingatan mo ang anak ko.’

“Wala namang personal doon, sa trabaho lang talaga.

“Sabi kasi ni Inah, parang nagustuhan daw ng daddy niya yung love team namin ni Inah.

“So, happy naman ako sa sinabi ng daddy niya.”

PROJECTS WITHOUT INAH. Wish nga ni Akihiro na magkasama ulit sila sa proyekto ni Inah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon kasi ay sa ibang aktres muna ipinapareha ang Kapatid actor.

Mapapanood si Akihiro sa February 6 (9-10:30 P.M. sa TV5) sa Wattpad Presents: Avah Maldita kasama sina Ella Cruz at Donnalyn Bartolome.

Mula sa daily series ay naging once a week telemovie na ang Wattpad Presents, at natutuwa si Akihiro na kasama siya sa mga bida ng unang episode nito.

Napapanood din si Akihiro sa Happy Truck ng Bayan tuwing Linggo sa TV5.

May upcoming indie movie pa si Akihiro, ang Footprints On The Moon, kung saan kasama niya sa cast sina Max Collins, Jess Mendoza, at Nicole Estrada. Sa direksyon ni Jan Xavier Pacle.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN