Ejay Falcon develops strong brotherhood with Jake Cuenca and Joseph Marco

Ejay Falcon revels in his deepening friendship with Pasion de Amor co-stars Jake Cuenca and Joseph Marco: "Magkakapatid na kami... Kaya nga itutuloy namin yung bonding namin sa isang pelikula na parang sexy-comedy ang dating."


Ipinagmamalaki ni Ejay Falcon ang kakaibang friendship na nabuo sa kanilang tatlo nina Jake Cuenca at Joseph Marco habang ginagawa nila ang afternoon soap na Pasion De Amor ng ABS CBN.

Saad ng 26-year-old actor, "Oo, hindi na mawawala yun, magkakapatid na kami.

"Ngayon lang ako pumasok sa isang show, na ang mga kasama kong mga artista, kaedad ko.

“Na parang hindi ka nai-insecure, walang kumpitensiya.

"Yun, yun ang masarap na feeling, nagagawa mo ang lahat ng gusto mo.

“At may magsasabi sa iyo na, 'Oy, di kita sasapawan.'

"Yung kaming tatlong boys, kami yun.

“Kaya nga itutuloy namin yung bonding namin sa isang pelikula na parang sexy-comedy ang dating.

"At yung leading ladies namin, exciting talaga."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ejay sa farewell presscon ng Pasion De Amor na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN last week.

Magwawakas na ang teleserye sa February 26.

THE SEXIEST. Ang mala-Adonis na katawan ng tatlo ang isa sa mga naging atraksiyon ng nasabing soap, lalo na sa mga kababaihan at mga beki.

Naitanong kay Ejay, sa tingin niya, sino ang pinaka-sexy sa kanilang tatlo?

Aniya, "Iba-iba kasi kami, e.

"Kung gusto mo ng matangkad, ako ang pinakamatangkad.

"Kung gusto mo ng mestiso, andiyan si Jake Cuenca.

"Kung gusto mo ng maraming abs, andiyan si Joseph.

"Yung parang ganun.

"Parang Pinoy na moreno, ako yun.

"Depende talaga sa taste mo."

Ayon pa dating Pinoy Big Brother Teen Edition grand winner, "Pagdating din sa tipo ng mga babae, magkakaiba rin kami.

"Si Jake, gusto niyang mga model, yung parang...

"Ako, iba ang gusto ko, ayaw ko ng payat.

"Ayaw ko naman yung cougar, masyado naman.

"Pero si Ellen Adarna, mas matanda sa akin 'yan.

"Gusto ko kasi yung nakakausap ko nang malalim, ayaw ko yung laru-laro lang.

"Si Joseph naman, silang dalawa ni Jake yung medyo pareho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya mas masuwerte ako sa kanilang dalawa, kasi wala akong kaagaw.

“Pero wala naman kaming agawan."

ELLEN ADARNA. Nabanggit na rin lang niya si Ellen, ano ang plano niya ngayong Valentine's Day? Yayayain niya bang mag-date ang sexy actress?

Nag-aalangang sagot ni Ejay, "Naku, malayo pa po yun, hindi ko pa iniisip o naiisip kung ano ba.

"Ang saya-saya namin, dahil walang tensiyon, puro sexual tensions lang!" biro niya.

Mas gusto ba niya yun, yung puro sexual tension lang?

Aniya, "Sino ba namang lalaki ang ayaw?

"Hindi... ang saya-saya lang namin na ganito ang sitwasyon namin ni Ellen, kaya dun muna kami.

"Ang hirap, e, baka mamaya, matapos ang show na parang Star Magic Ball. Na natapos na di kami okey.

"Pero ngayon, nagkukulitan na kami, sobrang okey na kami.

“Nag-uusap kami, nagti-text-an kami.

"Gusto kong matapos ang show na ganun, yung masaya."

MATURE. May chance ba naman na mayaya niya si Ellen sa Valentine Day?

Sagot ni Ejay, "Well, hindi malabo, kasi lagi ko siyang kasama.

"Pero sa ngayon kasi, ayaw ko munang isipin.

"Natatakot talaga ako sa tensiyon, sa tensiyon na kapag ginawa ko ito sa gitna ng taping, e...

"Tingnan na lang natin pagkatapos ng show, tingnan natin kung... sa ngayon, ayaw ko talaga."

Sa level ng kanilang pagkakaibigan, masasabi raw niya na marami na ang nabago sa kanilang dalawa.

Ayon sa Kapamilya actor, "Nabago in the sense, na ang sabi niya ay mas mature ako ngayon.

"At may nabago rin sa kanya, ayaw ko namang sabihin na ako lang.

"Lahat naman tayo ay may natutunan sa ganyan.

"Kung paano ang pagtingin niya sa sa isang tao, kung ano ang maturity na hinahanap niya sa isang tao.

"Lahat naman tayo, may kanya-kanyang panahon pagdating sa maturity, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN