Dimples Romana on Angel Locsin and Luis Manzano: "Hindi ko alam kung sila ba o hindi sila."

Dimples Romana on her young co-stars in And I Love You So: "Si Julia is a very good actress... Kasi nagre-ready 'yan, nagmo-motivate ng sarili. Ang maganda kay Miles, tumawid from Goin' Bulilit to actress."


Bagamat kilalang matalik na magkaibigan, hindi raw ngtatanong si Dimples Romana kay Angel Locsin kaugnay ng balitang break na ito at ang TV host-actor na si Luis Manzano.

Pahayag ni Dimples, “Di ba, you have friendship, you have so much respect for that person and you don’t ask.

“You just want to be there for them, and that’s what I’m trying to do for her sana.
 
“And also Luis… magkaibigan din kami ni Luis, e. 

“Siyempre, mahirap din manimbang and hindi rin naman dapat.

“Dapat, hindi ka rin mamimili sa mga kaibigan mo.”

Natatawang sabi pa niya, huli na raw siguro siyang nakaalam na may ganun palang isyu sa dalawa.

Sa isip daw kasi ni Dimples, sina Luis at Angel na talaga ang magkakatuluyan.
 
“Siyempre, nagulat ako… hindi masyadong nag-sink in sa akin.

“Kasi nga, hindi ko na nakikita sila, hindi ko nga alam kung sila ba o hindi sila.

“Sinabi naman ni Gel na they’re having problems but they’re working it out.
 
“At saka ang maganda sa dalawang ‘yan, kapag tinanong mo, diretsong sumagot.

“Hindi naman ‘yan palibot-libot, sasagot talaga.

“At saka si Angel, ang dami nang pinagdaanan niyan.”
 
Dagdag niya, “With Gel and Luis, I always make sure that they know that we’re here for them as a family. 

“Siyempre, bilang pamilya yun.

“Hello, si Alonzo [Dimples’s son], inaanak nila.
 
“Sa akin lang, kung anuman ang pinagdadaanan nila, I know they will also get through it.

“Hello, dinaanan na nila ‘yan dati."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dimples noong Lunes, February 1, sa Il Terrazo, Tomas Morato, Quezon City.
 
ON MILES AND JULIA. Isa si Dimples sa apat na pangunahing artistang babae sa panghapong teleserye ng ABS-CBN na And I Love You So; kasama si Angel Aquino at ang young stars na sina Miles Ocampo at Julia Barretto.
 
Madalas daw niyang kaeksena ngayon sina Miles at Benjie Paras.
 
“Ang saya sa taping! Grabe, ang kulit ni Kuya Benjie, e!” natawa niyang sabi.
 
Nakikita ba niya ang kanyang sarili kay Miles?
 
Sagot ni Dimples, “Parang hindi, parang magkaiba kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think ang gusto talaga ng management for Miles, pang-lead, api-apihan.

“Ako kasi, nagko-kontrabida rin ako. Kapag mabait, mas may challenge sa akin, ang hirap na kasing iarte.

“Kapag mabait ka naman, hindi mo na iaarte yun, normal; parang redundant kasi.”
 
Kumusta naman si Julia Barretto?
 
“Si Julia is a very good actress, kaya kahit anong bash sa kanya, kahit ano, ang galing niyang artista. 

“Kasi nagre-ready ‘yan, nagmo-motivate ng sarili.
 
“Kunwari ibigay mong eksena sa kanya, iaaral niya.

"Magaling din si Miles. At ang maganda kasi kay Miles, tumawid siya.

“Parang Julia Montes, parang yung anak-anakan ko na tumawid from Goin’ Bulilit to actress.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN