Dimples Romana: "I remain Kapamilya because they also remain as Kapamilya."

Despite offers from other networks, Dimples Romana will never leave ABS-CBN, "Bata ka pa, inalagaan ka, pinakain ka, pinakain ang buong pamilya mo. Kaya mo pa bang iwanan ang ganung klase ng relasyon?"


Isa sa mga loyal Kapamilya si Dimples Romana.
 
Simula nang magsimula siya sa pagiging artista noong 12 years old pa lamang siya hanggang ngayon 31 na siya ay nananatili siyang Kapamilya.
 
Pahayag niya tungkol dito, “Ikaw ba, kunwari orphan ka, although hindi naman ako orphan.

“Pero bata ka pa, inalagaan ka, pinakain ka, pinakain ang buong pamilya mo.
 
“Kaya mo pa bang iwanan ang ganung klase ng relasyon?

"E, hindi naman ako greedy, basta binibigyan nila ako ng trabaho at magagandang trabaho.

“For the record, sobrang magaganda ang ibinibigay nila sa akin.
 
“At may mga dumating, may mga umalis na, pero the fact that you remain in that station is a big thing.

“So, sa akin, to remain as Kapamilya is how I show my gratitude.
 
“Siyempre, alam ko rin naman sa dami ng artista nila, baka hindi nila napapansin.

“Pero gusto ko rin na malaman nilang all these years, I remain Kapamilya because they also remain as Kapamilya.”
 
Hindi naman itinanggi ni Dimples na nagkaroon din siya ng offer sa ibang network pero pinili niya talagang maging Kapamilya pa rin. 

Mapapanood si Dimples sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado bilang si Congresswoman Leni Robredo.

Isa rin siya sa lead stars ng teleseryeng And I Love You So. Siya rin ang host ng TFC Connect.

LONG JOURNEY. Nakilala si Dimples bilang isa sa pinakamahusay na character actress sa telebisyon o pelikula man.
 
Saad ni Dimples, “Pero mas matagal ang journey na yun, e. 

"Kumbaga, papatunayan mo sa bawat isang gagawin mo; hindi siya one time, big time.
 
“Kahit naman noong bata ako, ever since, gusto ko na ganun na.

"And thankfully, over the years, nakatawid din ako as endorser, as a host, which is good.

"Kasi nagagawa ko kung ano ang gusto kong gawin bilang normal na tao at artista.
 
“Aminin natin, hindi naman lahat ng aktor, gustong maging artista.”
 
Ibig sabihin, hindi rin lahat ng artista ay nagiging aktor?

“Sa ‘yo galing yun!” ang natawa niyang sagot.

Kuwento pa ni Dimples, "One day, we were having lunch. I think, the Thursday barkada.

“Nakita namin si Tito Michael de Mesa, lahat kami tumayo para makita siya.
 
“At sabi talaga ni John Lloyd [Cruz], ‘Alam mo… sana, 'no, kapag tumanda tayo, ganun.‘

“Eto, talagang sobrang bumilib ako kay Lloydie.

“Di ba, when the young generation of actors stand up to greet you, that’s a big deal.

“That means, you’re respected as an actor. E, si Tito Mike, character actor pero, wow!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, for me, yun ang importante.”

MAKING A MARK. Hindi naman daw niya pinangarap na maging sobrang sikat.
 
Sabi niya, “Ayoko talaga, hindi ko pinangarap.

“I guess, hindi rin ako puwedeng showbiz na showbiz.”

Mas gusto pa rin niyang talaga ang character roles?
 
“Ay, gusto ko, yung may off-beat, may character.

“Not necessarily the bida, gusto ko yung may marka lang.
 
“I think, one of the reasons din kung bakit non-showbiz ang napangasawa ko, gusto ko pa rin na normal yung buhay ko.
 
“Yung kapag nanay ako, napi-feel ko ang pagka-nanay ko.

“Parang nami-mix ko ang trabaho at real life, kasi ang hirap din kung puro showbiz ang aasikasuhin mo, e. 

"Minsan, hindi mo na rin alam kug ano ba ang normal dun, ano ba ang totoo dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN