Director-writer Uro dela Cruz passes away

Pumanaw na ngayong araw, February 4, ang batikang direktor at manunulat na si Uro dela Cruz. Hindi pa batid kung ano ang ikinamatay nito dahil inilihim daw ni Direk Uro ang kanyang karamdaman.


Pumanaw na ang batikang direktor at manunulat na si Uro dela Cruz ngayong Huwebes ng umaga, February 4.

Ayon sa ulat ng Interaksyon, mapayapang pumanaw si Direk Uro habang natutulog kaninang bandang 5:30 A.M. Siya ay 64 taong gulang.

Hindi malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng direktor, ngunit napaulat noon na mayroon siyang cirrhosis of the liver.

Ayon sa isang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilihim daw ni Direk Uro sa marami ang kanyang pagkakasakit.

Kasunod ng balitang pumanaw na si Direk Uro ay ang pagdagsa ng mensahe mula sa mga kasamahan niya sa industriya.

Sabi ni Ogie sa kanyang Instagram post: “Salamat direk Uro dela Cruz Sa lahat ng naituro mo Sa amin. Rest now Direk and be with Jesus.”

Salamat direk Uro dela Cruz Sa lahat ng naituro mo Sa amin. Rest now Direk and be with Jesus.

A photo posted by Ogie Alcasid (@ogiealcasid) on

Matagal na nagkasama sina Ogie at Direk Uro sa gag show ng GMA Network na Bubble Gang noong nasa Kapuso network pa ang Kapatid star.

Sa Bubble Gang din nakatrabaho ng aktres na si Assunta de Rossi si Direk Uro.

Mensahe ni Assunta sa kanyang Instagram post (assuntaledesma): "Almost 21 years ago, I was one of 30 girls from That's Entertainment selected to audition for a new gag show (wala pang title dati ang Bubble Gang). Only 3 were chosen, and I was one of them.

"Until now, hindi ko alam kung paano ako napasok sa comedy gayong napakamahiyain ko noon. Maybe Direk Uro saw something in me, I don't know. Eh, dose anyos pa lang ako and a newbie.

"Direk, salamat po sa tiwala at pagkakataon. You will be missed."

Nagbigay rin ng mensahe sina Ruby Rodriguez at Rocco Nacino sa pamamagitan ng Twitter:

rodriguezruby: “Be with your creator Direk

nacinorocco: “Rest in peace direk Uro.

Labis ding ikinalungkot ng talent manager at writer na si Noel Ferrer ang pagyao ni Direk Uro.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Noel may proyekto pa sana silang dapat pagsamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GOODBYE DIREK URO DELA CRUZ! For this generation, we know him to be the director of the award winning and longest running gag show BUBBLE GANG. But as a film buff, I really had good talks with him as the writer of 2 of my favorite (and controversial) Filipino films - SCORPIO NIGHTS & UNFAITHFUL WIFE. Whenever we see each other, he would always tell me that he is finishing the theater adaptation of these 2 films which I was supposed to mount for him. I also have the sequence treatment of the prequel of 'Scorpio Nights' which was one of the last film projects he was trying to finish writing for me. I am deeply saddened by his death. Rest in peace Direk! Please guide me in making sense out of the wisdom and the words and the stories you left me with. THANK YOU! #kakaibangthowback #shockingnewsonathursdaymorning #RIPDirekUro"

GOODBYE DIREK URO DELA CRUZ! For this generation, we know him to be the director of the award winning and longest running gag show BUBBLE GANG. But as a film buff, I really had good talks with him as the writer of 2 of my favorite (and controversial) Filipino films - SCORPIO NIGHTS & UNFAITHFUL WIFE. Whenever we see each other, he would always tell me that he is finishing the theater adaptation of these 2 films which I was supposed to mount for him. I also have the sequence treatment of the prequel of 'Scorpio Nights' which was one of the last film projects he was trying to finish writing for me. I am deeply saddened by his death. Rest in peace Direk! Please guide me in making sense out of the wisdom and the words and the stories you left me with. THANK YOU! #kakaibangthowback #shockingnewsonathursdaymorning #RIPDirekUro

A photo posted by @iamnoelferrer on

Ilan sa mga naging obra ni Uro bilang isang screenwriter ay ang mga pelikuklang Scorpio Nights (1985), Virgin Forest (1985), Halimaw (1986), at Unfaithful Wife (1986).

Ilan naman sa mga naging palabas niya bilang direktor sa telebisyon ay ang Bubble Gang, Celebrity Bluff, at Show Me Da Manny.

Nagdirek din siya ng ilang pelikula, katulad ng Sagad Sa Init (1998), Katayan (2000), Bahay Ni Lola (2001), Singsing Ni Lola (2002), at Scaregivers (2008).

Lumabas din siya bilang aktor sa ilang mga pelikula.

Sa mga naiwang kapamilya at kamag-anak ni Direk Uro, ang taus-pusong pakikiramay mula sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN