Kiray Celis on being part of showbiz: "It's not about fame. It's about money."

Kiray Celis does not mind if people perceive her as 'mukhang pera': "Okey lang, totoo naman, e. Sino bang tao ang hindi mukhang pera? Lahat ng tao naghahangad at gumagawa ng paraan para magkapera."


Aminado ang young comedienne na si Kiray Celis na sobrang pressure ang nararamdaman niya ngayong malapit nang ipalabas ang pelikulang Love Is Blind.

Base kasi sa takbo ng istorya at trailer ay lumalabas na si Kiray ang pinakabida sa pelikula.

Pahayag ni Kiray, “Super pressure ako kasi first big role ko ‘to.

“Tapos, ang bigatin ng mga kasama ko. I mean, bigatin talaga!

“Derek Ramsay, Solenn Heussaff, and Kean Cipriano... hindi sila mga birong artista sa industriya.”

Binibiro nga raw si Kiray ng kanyang co-stars na pelikula talaga niya ang Love Is Blind.

Palagi nila akong inaasar na movie ko raw ‘to, na kasama ko lang sila.

“Ayokong magyabang, e. Ayokong isipin na sa akin ‘to.

“Baka kapag hindi maganda ang kinalabasan, sa akin i-blame.

“Pero siyempre, nakakatuwa na para sabihin nila sa akin ‘to, parang ibinigay na nila sa akin at ipinaubaya na nila sa akin.”

Paano kung ang kapalit nun ay napakalaking responsibilidad lalo na sa box-office?

Sagot ni Kiray, “Siyempre, kung hindi siya mag-work, masakit yun nang sobra.

“Pero hindi ko didibdibin kasi it’s my very first.

“Hindi naman lahat ng artista na nagkaroon ng unang movie, e, dinagsa agad o pinanood lahat ng mga tao.

“Test yun sa mga tao kung kailan ka nila papanoorin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa press conference ng Love Is Blind kahapon, February 3.

MAGIC KAMISON. Kilala ang Regal Films sa pagpapasuot ng “magic kamison” tuwing may inilulunsad na female star.

Paano kung totohanin ni Mother Lily Monteverde na pagsuotin siya ng magic kamison at bigyan siya ng sarili niyang pelikula?

“Ano yung kamison?” tanong muna ni Kiray. “Walang bra?”

Sabi pa niya, “Well, sana may manood, e, ako, forever tingin sa akin ng mga tao, e, baby girl, Goin’ Bulilit.

“Parang hindi pa rin yun bagay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag kaya ko, kaya ko po.

“Kasi trabaho naman, wala namang personalan.

“Hindi naman porke’t nakita niyo akong maghubad, e, bastusin na ako. 

“Pero for now, it’s too early para pumunta sa mga ganyan.”

ALL FOR MONEY. Dahil sa mga naging litanya niya tungkol sa kissing scenes niya kina Derek Ramsay at Kean Cipriano, paano kung alukin siya ng FHM magazine na mag-cover pictorial? Tatanggapin ba niya?

“Sabi ni Mama dati, kapag may bayad.

“E, nalaman namin wala palang bayad yun!” natawang sabi ni Kiray.

Patuloy niya, “Alam mo, pera talaga ako.

“It’s not about fame. It’s about money.

“Para sa akin, nandito ako sa showbiz, gusto ko ‘to, pero pera talaga.

“Kaya ako, naiinis ako minsan sa mga artista na namimili ng proyekto.

“Kasi ako, kapag meron, grab talaga. Hindi ako namimili.

“Kung saan may trabaho, dun talaga ako.”

Paano kung sabihin na mukha siyang pera?

“Okey lang, totoo naman, e,” sambit niya.

Sabi pa ni Kiray, “Sino bang tao ang hindi mukhang pera?

“Lahat ng tao naghahangad at gumagawa ng paraan para magkapera.”

Marami ang nakakaintindi kay Kiray dahil siya ang breadwinner ng kanilang pamilya.

Three years old pa lang siya nang magsimula siya sa showbiz.

Saad niya, “Nineteen na po ako, pero may mga off-off naman yun, siyempre may mga awkward stage. 

“Pero simula nang magka-car ako, si Papa na ang driver.

“Si Mama ang palagi kong PA [personal assistant] na siya ang nag-aayos ng gamit ko.

“Sabi ko, bakit pa ako maghahanap ng kasama sa work, e, kung sila [her parents], mas kilala na nila kung ano ang kailangan ko o mas alam na nila ang kailangan ko.”

Hindi siya napapagod bilang breadwinner?

Pahayag ni Kiray, “I’m so happy para matulungan ko ang sarili ko.

“Malaking ano siya, parang malaking responsibilidad kung iisipin mo, para itaguyod mo ang buong pamilya mo, ang sarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kapag nakikita mong nabibili nila ang mga gusto nila, nabibili ko ang mga kailangan namin.”

LOVELESS. Dahil daw sa kanyang pagiging breadwinner kaya hindi pa nagkaka-boyfriend si Kiray.

“Yun ang sinasabi nila, bakit daw hindi pa ako nagbu-boyfriend.

“Sabi ko, ang pagbu-boyfriend naman, hindi ‘yan ganun kadali na magmamahalan kayo.

“Kagaya nga ng sabi nila, yung tinatanong nila na kapag may boyfriend ka, kailangan makipag-sex ka.

“E, kung ganun pala ang batayan, e, di hindi muna ako magbu-boyfriend.

“Siguro isa rin yun sa batayan.

“Ayoko munang ibigay ang hindi ko pa dapat ibigay dahil marami pa akong responsibilidad sa pamilya ko na dapat kong unahin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN