Teri Onor aims for third term as Bataan board member

Teri Onor on making a showbiz comeback: "Sa ngayon, talagang nae-enjoy ko ang pagiging public servant natin. Hindi ko naman totally tinalikuran ang showbiz. Nandiyan pa rin naman siya. Yun nga lang, ang pinaka-priority natin ay ang pagiging public servant. Hinalal tayo ng mga tao sa Bataan kaya mas prayoridad natin ang pagsilbi sa kanila."


Muling tatakbo bilang board member sa unang distrito ng lalawigan ng Bataan ngayong 2016 elections ang comedian na si Teri Onor, o Dexter Dominguez sa tunay na buhay.

Kung palaring manalo ulit, ito ang ikatlo at huling termino niya kung saka-sakali.

“Tatakbo po ulit tayo,” sabi ni Teri nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City, noong February 3.

Dagdag pa niya, “Okey naman po ang buhay natin sa mundo ng pulitika.

“Hindi ko akalain na magugustuhan ko ito.

“Sa ngayon ay tahimik po ang buhay natin at abala naman tayo sa pagiging isang public servant.”

Kabilang si Teri noon sa noontime show na Eat Bulaga, kunsaan una siyang nabigyan ng malaking break sa telebisyon.

Pinasok ni Teri ang mundo ng pulitika noong 2007 nang manalo siya bilang vice mayor ng Abucay, Bataan.

Naihalal naman siya bilang board member noong 2010 at 2013.

Dahil sa pulitika ay tinalikuran ni Teri ang pagiging full-time comedian sa TV at pelikula.

Ang huling regular show ni Teri ay ang Inday Wanda ng TV5 noong 2010.

Ngayon ay nagkakaroon siya ng guest stints sa comedy-variety program ng GMA Network na Sunday Pinasaya.

NO REGRETS. Saad ni Teri, na nakilala sa pag-i-impersonate sa Superstar na si Nora Aunor, “Wala namang regrets na pinili ko ang pagiging public servant.

“Kung noong artista tayo, may mga natutulungan tayo. Ngayon at nasa posisyon tayo, mas maraming tayong natutulungan.

“Kilala pa rin naman nila ako bilang Teri Onor. Inaaliw ko pa rin naman sila paminsan-minsan kapag may mga fundraising events kami sa Bataan.

“Kahit paano ay nandito pa rin sa puso ko ang pagiging performer.”

Pero aminado si Teri na nami-miss niya paminsan-minsan ang magpatawa at magbihis-Nora Aunor.

“Oo naman. Kasi ‘yan ang una nating naging trabaho.

“Malaki ang naitulong ng pagiging komedyante at impersonator ko sa pamilya ko noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya paminsan-minsan ay tumatanggap ako ng mga guesting.

“Madalas pa rin naman akong kinukuha ng GMA-7 para sa mga shows nila.

“Wala namang masamang rumaket ako sa showbiz basta’t nagpapaalam tayo.”

Miss din daw niya ang Dabarkads ng Eat Bulaga.

Saad ni Teri, “Sobra ko silang nami-miss.

“Kaya tuwing nandito ako sa Quezon City para sa ilang meetings, I make it a point na tawagan ang mga tao doon sa Eat Bulaga.

“Nangungumusta ako sa kanila at kino-congratulate ko sila dahil nananatili silang number one.

“Balang-araw, kapag siguro hindi na tayo masyadong busy sa trabaho natin sa Bataan, sana ay makapag-guest ako.

“Nakaka-miss din silang lahat doon.”

Wala na ba siyang balak na magbalik-showbiz talaga?

Tugon ni Teri, “Depende po, e.

“Sa ngayon, talagang nae-enjoy ko ang pagiging public servant natin.

“Hindi ko naman totally tinalikuran ang showbiz. Nandiyan pa rin naman siya.

“Yun nga lang, ang pinaka-priority natin ay ang pagiging public servant.

“Hinalal tayo ng mga tao sa Bataan kaya mas prayoridad natin ang pagsilbi sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN