Xian Lim: "Hindi po ako mahirap na katrabaho."

Ayon kay Xian Lim, genuine ang kanyang ipinapakitang ugali sa lahat kapag nasa trabaho siya. Ginagawa rin daw niya ang best niya, pero hindi niya masabi kung mawawala ba sa mga tao ang perception nilang mahirap siyang katrabaho.


Muling pinanindigan ni Xian Lim na hindi siya mahirap katrabaho.

May imahe kasi si Xian na mahirap siyang katrabaho at distant sa kanyang co-workers.

Sa palagay ba ng Kapamilya actor ay natanggal na ang imahe niyang ito?

Sagot ng 27-year-old Star Magic artist, “Ay, hindi ko po alam, e, kung matatanggal yun, kasi po comment po nila yun, e.”

Pero dahil sa pelikulang Everything About Her ay tila unti-unti nang natatanggal ang imaheng ito ni Xian, base na rin sa testimonya at papuri ng kanyang co-stars na sina Governor Vilma Santos at Angel Locsin.

Saad ni Xian, “Gulat na gulat nga ako nung… when they spoke on my behalf nung presscon.

“That’s one of the reasons why na hindi ko rin na-control na magpasalamat at maging emosyunal dun sa presscon.

“Pero kung ano po yung work ethic ko, basta I’m just doing my best.

“And ipinapakita ko lang sa tao na genuine naman po ako na katrabaho and hindi po ako mahirap na katrabaho.”

Bukod sa performance niya sa Everything About Her, napuri rin si Xian sa paghu-host niya sa homecoming tribute para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

Ano nga ba ang mas matimbang sa kanyang puso—ang pag-arte o ang paghu-host?

Sagot ni Xian, “Pareho siyempre. With the success of the movie and with Pia’s homecoming.

“And nakakatuwa and nakakataba lang talaga ng puso kasi hindi po talaga ako madalas na makatanggap ng ganito, e [papuri].

“Hindi po ako madalas makarinig ng ganito.

“And talagang tinatanggap ko lang po lahat ng mga sinasabi nila.

“And I’m just very grateful and I’m very honored for this film… I’m just very happy.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew si Xian sa thanksgiving presscon nito noong Martes, February 2.

VALENTINE’S DAY. Ilang araw na lamang at Valentine's Day na. May plano na ba sila ng ka-love team niyang si Kim Chiu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Xian, “Sana meron po kaming oras.

“And I’m sure, maski wala pong oras, e, gagawan po namin ng oras.

“Hindi pa po namin alam, e, [kung may taping], pero if ever meron man, gagawa po kami ng oras para sa isa’t isa.”

Pero siya ba ay may plano na for Kim?

Ayon kay Xian, “Of course, may mga ano na… sabi ko nga kanina, malaking bagay para kay Kim ang effort.

“More than a gift, ang gusto niya time and being with each other.”

Ilang taon na rin ang balitang nililigawan niya ang ka-love team, ano na ba ang real score nila?

Sabi ni Xian, “Ganito lang po, e, alam naman po ni Kim at alam naman po ng lahat na mahal na mahal ko siya, e.

“Kung puwede po sana dun po muna po na mahal na mahal ko si Kim.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN