Vic Sotto and Pauleen Luna fly to Maldives for their honeymoon

"Can't get better than this." This is how Pauleen Luna-Sotto described her honeymoon in Maldives with husband Vic Sotto.


Nagtungo ang bagong kasal na sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa tropical resort island na Maldives para sa kanilang honeymoon.

Lumipad sila roon noong February 3, Miyerkules.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ni Pauleen ang ilang larawan nila ni Vic sa sikat na tourist attraction.

Ikinasal ang hosts ng Eat Bulaga! noong January 30, Sabado, na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan sa showbiz; kabilang ang best friend ni Pauleen na si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach.

Bukod sa selfie photos nila habang nasa beach, nag-post din si Pauleen ng sweet moments nila ni Bossing.

Ngayong Biyernes, February 5, nag-post naman si Pauleen ng holding-hands photos nila ni Vic. May simpleng caption itong: “Can't get any better than this.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN