Kathryn Bernardo on KathNiel: "Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo maipaghihiwalay."

Kathryn Bernardo compares her current relationship with Daniel Padilla to a magnet: "Maybe grabe iyong care namin sa isa't isa, sobrang importante, grabe malaking parte na kami ng isa't isa. Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo maipaghihiwalay."


Hindi pa man nila diretsahang inaamin na sila na, malaki raw ang pasasalamat ni Kathryn Bernardo na naging parte ng buhay niya ang ka-love team at rumored boyfriend na si Daniel Padilla.

Sa thanksgiving press conference ng Pangako Sa ‘Yo kagabi, February 4, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN, naitanong ng press kung ano na ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Mas nagiging expressive na sila sa kanilang nararamdaman kung ikukumpara sa mga naging interbyu nila noon.

Nabanggit ni Daniel na “love” na ang nadarama niya para sa ka-love team.

Natanong naman ang 19-year-old actress kung ganito na rin ba ang nadarama niya para sa kapareha.

Matagal bago nakasagot ang dalaga, pero sa huli ay sinabi rin niyang “Opo.”

Bakit tila yata go with the flow lang si Kathryn sa pagiging open ni Daniel sa feelings nito para sa kanya?

Ayaw niyang pakialaman?

Pahayag ni Kathryn, “Bakit ko naman siya babasagin, di ba?

“Ang hirap na parang... hindi naman sa inuuto mo yung mga tao or pinapaikot mo sila, ganun.

“Pero kami, basta usapan namin ni DJ [palayaw ni Daniel], on or off-cam, importante iyong ipapakita namin sa kanila kung ano talaga.

“Kung ano iyong nakikita niyo ngayon, iyun na ‘yon.

“Maybe grabe iyong care namin sa isa’t isa, sobrang importante, grabe, malaking parte na kami ng isa’t isa.

“Parang magnet na kaming dalawa, hindi mo maipaghihiwalay.”

REALIZATIONS WITH PARTNER. Sa matagal na pagsasama nila ni Daniel bilang magka-love team, malaki raw ang pasasalamat ni Kathryn dahil nakita niyang nag-mature silang dalawa nang magkasama.

Saad ni Kathryn, “Si DJ kasi, sobrang lalim niyang tao, as in wow, grabe, sobrang mature niya.

“Siguro mas nag-grow talaga ako as a person dahil kay DJ.

“Sa simpleng bagay, sa pakikipag-usap sa mga tao, sa pagha-handle ng mga problema ko na huwag ako agad mai-stress, siya iyong nagpa-realize sa akin ng maraming bagay at laki ng pasasalamat ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro kung meron akong naipangako sa kanya, na nagawa ko so far, intindihin namin ang isa’t isa, na ang tagal na namin magkasama ngayon, ilang years nang love team.”

Nagsimula ang KathNiel loveteam noong 2011 kung saan nagkapareha sila sa ABS-CBN Sunday teen-oriented show na Growing Up.

Pagkatapos nito ay nasundan ang pagsasama nila ng tatlong teleserye (Princess And I, Got To Believe, at Pangako Sa ‘Yo) at anim na pelikula (24/7 In Love, Sisterakas, Must Be Love, Pagpag: Siyam na Buhay, She’s Dating The Gangster, at Crazy Beautiful You).

Ayon kay Kathryn, maaaring sa tagal ng pagsasama nila ay magkasawaan sila sa isa’t isa.

“Puwede na sa ilang years na iyon na magkasawaan kayo, or dahil masyado niyo nang kilala yung isa’t isa, it’s either tanggapin or hindi na tanggapin.

“Pero kaming dalawa, inintindi namin yung isa’t isa.

“Tinanggap ko siya as Daniel and tinanggap niya kung sino talaga ako.

“And natupad yung pangako na yun kasi na-realize ko nag-grow kami together and yun ang importante.”

PARENTS. Sa ngayon, wala naman daw objection ang ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa namamagitan ngayon sa dalaga at sa kapareha.

Aniya, “Ever since naman siguro na nasimulan namin na si Tita Karla [Estrada, ina ni Daniel], iyong family ni DJ, pati si Mama sumasama sa akin sa taping, so parang naging anak na rin talaga ni Mama si DJ.

“Pinagsasabihan siya pag may nagagawa si DJ, parang isa si Mommy sa mga proud na tao diyan.

“Parang naging close si Mama lalo at saka si DJ.

“Sila Mama naman, sila Tita Karla, [sabi nila,] ‘Hindi naman importante kung maging kayo ngayon, basta i-enjoy niyo lang and bata pa kayo pareho.’

“Basta importante, alam daw namin i-balance kung hanggang saan, ano yung mga limitations namin.”

KCA NOMINATION. Samantala, masaya at kinikilig naman si Kathryn nang tanungin siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon proper tungkol sa nominasyon niya sa Nickelodeon’s Kids Choice Awards 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa si Kathryn sa mga nominado sa Favorite Pinoy Personality category; kasama sina Enrique Gil, James Reid, at Maine Mendoza.

Read: Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Maine Mendoza, and James Reid nominated in 2016 Nickelodeon Kids' Choice Awards

Nang matanong siya, sumigaw agad si Daniel at sinabing: “Panalo na ito. Panalo na si Kathryn!”

Natawa naman si Kathryn at sinabing: “Masaya ako na Nickelodeon iyon,

“Parang, ‘My God! Pinapanood ko lang iyon!’ Ang saya maging parte ng ganyan.

“And basta ngayon na na-nominate na ako, masaya na ako, and ngayon bumoboto na iyong mga taom pero masaya na ako, kinikilig talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN