Derek Ramsay ready to give up fame anytime: "The next talented person is just always around the corner."

Derek Ramsay on the fickle nature of showbiz: "If ever the time comes na I'm not as popular anymore... it's time to move on to the next part of your life."


Ano man ang mangyari sa career ni Derek Ramsay ay nakahanda raw siya.

“You have to be able to accept that you have to give the opportunity to the next person who comes around.

“Who’s going to bring a different flavor, a different talent, you know.  

“The next, not just pretty face, but the next talented person is just always around the corner.

“So for us,  we have to continuously evolve, change, so that we can last longer in the industry.

“Yung talent namin napag-aaralan ng mga mas bata 'yan.

“And then nabibigyan pa nila ng sarili nilang flavor."

Maging ang panlasa raw ng publiko ay nag-iiba. Kaya kailangang ang mga artista nagre-reinvent.

“And time’s always changing.

“The viewers are changing with what they want, what they like, what they see.

“So kailangan matanggap mo 'yan. E, kung hindi mo matatanggap yun, mababaliw ka.

“So ako I just work on ever always changing and bettering myself with my craft.

“And if ever the time comes na I’m not as popular anymore.

“When I’m not getting as many projects, it’s time to move on to the next part of your life.

“Be happy for those...nakita mo na nagge-guesting lang, nagta-talent lang then they’re getting a name for themselves.

“You should be happy kasi dun ka nanggaling, e!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek nitong Miyerkules, February 3, sa Luxent Hotel, kung saan naganap ang presscon ng Love Is Blind na pelikula ng Regal Entertainment Inc.

Bukod kay Derek, bida rin dito sina Solenn Heussaff, Kean Cipriano, at Kiray Celis.

Sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana,  ang Love is Blind ay ipapalabas sa mga sinehan sa February 10.

OTHER STARS' SEX VIDEOS. Napadako ang usapan tungkol sa mga male celebrities na nasasangkot sa sex video scandal.

“I don’t like talking about stuff like these kasi kawawa naman yung mga taong involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, imagine, just picture yourself, if you’re one of those people who made the mistake of making a video na hindi mo naman in-intend na ipalabas sa public.

“And then the public spreads it like wildfire without thinking of the consequences.

“And the repercussions that’s gonna happen to the two people involved or how they are gonna feel.

“So ako, while naririnig kong may ganyan, hindi ko pinapanood.”

Isa sa mga nagkaroon ng ganitong kontrobersiya ay si Joross Gamboa na nagkataong kaibigan ni Derek.

“He’s my friend! Ayokong panoorin!

“Hindi ko babanggitin, ayokong pag-usapan kasi he’s my friend and it’s, you know, lalo na sa babae, especially yung mga bata pang babae, ayokong pag-usapan.

“Kawawa naman yung mga tao na malay mo gumawa nga ng ganun ’tapos nagpaayos lang ng laptop, may lumabas."

Never  raw sinubukan ni Derek na gumawa ng sex video.

“If you have to do something like that, make sure that you really take care of it or burahin mo.

“Pero ayokong idetalye yung mga bagay na ganyan.

“Basta ako, nakakaawa yung mga victims na nagkakaroon ng mga eskandalo.”   


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN