Nico Antonio feels sorry for co-star JM de Guzman: "Magaling po siya... nakakapanghinayang."

Nico Antonio has learned to ignore the intrigue about him getting acting projects because of his producer/mom Atty. Joji Alonso. He says, "Sa industriyang ito, either pogi ka, maganda ka o may koneksiyon ka. Dun ako sa may koneksiyon kasi hindi naman tayo kapogian, so iyon."


Nanghihinayang si Nico Antonio sa co-actor niyang si JM de Guzman dahil sa sinasayang nitong mga oportunidad sa showbiz.

Sabi nga niya, “Nanghihinayang po ako kasi magaling po siyang aktor.

“Yung talent po niya sobra-sobra, kita naman sa screen, mapa-TV man o pelikula.

“’Tapos yung karisma niya ibang-iba rin.

“Bihira yung mga indie actor na nagkakaroon ng ganung oportunidad, dalawang beses pa.

“So nakakapanghinayang.”

Nakausap namin si Nico sa presscon ng Tandem nitong Martes, February 2, sa Quezon City Sports Club.

Bida sina Nico at JM sa pelikulang ipapalabas sa mga sinehan sa February 17.

NO TO DRUGS. Kuwento ni Nico, noong ginagawa raw nila ang Tandem noong March 2015 ay wala namang ibinigay na kahit anong problema si JM sa kanyang mga co-stars at sa production ng pelikula.

“Hindi po siya nagbigay ng problema, very professional po siya.

“Sa acting niya, very, very good. Sa pagpunta sa set, professional, early. Walang tantrums.”

So nagulat siya noong una niyang nabalitaan ang umano'y bad behavior nito sa set ng All Of Me.

“Nagulat ba ako? A, in a way yes, nagulat po ako.

“Kasi yun nga, pangalawang oportunidad na binigay sa kanya ng ABS-CBN yun ’tapos biglang nag-disappear siya.

“So nagulat ako dun sa aspetong sinayang niya yung pagkakataon.”

Maliban sa mga cryptic posts ni JM sa Instagram account nito noong November 2015, kung saan sinabi niyang, "Hey dad, are you going to send me to rehab again?" ay walang nagbigay-paliwanag tungkol sa pagkakatanggal niya sa serye at sa Metro Manila Film Festival entry na Walang Forever, na pinagbidahan ni Jennylyn Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
May ispekulasiyon na bumalik ang aktor sa paggamit diumano ng droga.
Pero dinenay ito ni JM sa kanyang cryptic posts.
"17 months in rehab. 6 months I've been running the program.
"Hear our story, respect our journey.
"We can be also a big help in our society if you just let us and free us from the the undeniable stigma that literally chokes us every day."

Ani Nico, una niyang nabalitaan ang problema ni JM "nung kalagitnaan ng All Of Me, I think mga August."

Nasubukan ba niya ever na mag-drugs?

“Nung kabataan ko, pero hindi naman ako na-hook,” ang rebelasyon ng 32-year-old actor.

“So thank God for that!”

Ano ang maipapayo niya sa mga kabataan na sumusubok sa ganitong uri ng bisyo?

“Maraming naka-experience so learn from those experiences.

“Huwag nyo nang subukan, huwag nyo nang i-try.”

CONNECTION. Anak si Nico ni Atty. Joji Alonso na isa sa mga producers ng Tandem, Walang Forever, Ang Babae Sa Septic Tank at iba pang pelikula.

Nasasaktan pa ba siya kapag may mga nang-iintriga na kaya siya nagkakaroon ng pelikula ay dahil anak siya ng producer?

“Hindi na po, siguro kung newbie pa ako.

“Noon, nahu-hurt ako kasi, siyempre, newbie, and at the same time naiintindihan ko rin naman kasi totoo naman, e.

“Sa industryang ito, either pogi ka, maganda ka o may koneksyon ka.

“Dun ako sa may koneksyon kasi hindi naman tayo kapogian, so iyon.

“E, ngayon, hindi na ako nahu-hurt kasi may napatunayan na naman siguro po ako.”

Dalawang beses nang na-nominate si Nico for an acting award para sa mga pelikula niya dati na Posas at Red.

Importante raw kay Nico ang acting award, “Sobrang importante po… iyon yung epitome ng pagiging actor mo, e.

“Parang iyon na yung pinnacle na sinasabi, ‘Ang galing mo!’”

Sa direksyon ni King Palisoc, ang Tandem ay produced ng Quantum Films, Tuko Film Productions, at Buchi Boy Films.

Bukod kina JM at Nico ay nasa pelikula sina Elora Espano, Rochelle Pangilinan, Allan Paule, Paolo O’ Hara, BJ Forbes, Karl Medina, at Dennis Marasigan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN