Diego Loyzaga opts to stay neutral about negative issues thrown at dad Cesar Montano

Diego Loyzaga on rumors linking him to Sofia Andres, "There's a chance for everything. But as of now, Sofia and I are just friends. I don't think naman she's looking for a relationship right now and neither am I."


Neutral ang response ni Diego Loyzaga sa mga isyung kinakaharap ng kanyang amang si Cesar Montano, partikular ang child abuse complaint na isinampa ng asawa nitong si Sunshine Cruz.

Lahad ni Diego, “I heard of rumors but never akong nagka-interest na alamin ang mga problema or tsismis tungkol sa kanya.

“Tatay ko po siya so never in my interest na siraan siya, mahal ko naman ang tatay ko. 

“Sorry to be blunt, pero wala akong paki kung ano ang pinagsasabi nila tungkol sa tatay ko. 

“I know my father and I spend time with my father, so I know him as a person he is.”

Masaya raw si Diego sa recent news na dinismis ng Quezon City Prosecutor's Office ang reklamo ni Sunshine sa kanyang ama.

Komento ni Diego, “That’s a good thing, obviously wala nang issue.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor matapos ang thanksgiving presscon ng ABS-CBN para sa Pangako Sa ‘Yo.

Ginanap ito sa 9501 resto, ELJ Communication Center noong February 4, na dinaluhan rin ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla pati na ng ibang cast ng serye.

CLOSER. Naniniwala si Diego na inosente ang kanyang ama sa mga isyu o reklamong ipinupukol sa kanya?

Sagot niya, "A, growing up without my father, masasabi ko na, obviously, we didn’t have the best relationship to begin with. 

“But over the years, it’s grown, it’s good now, gano'n po siya.

“Kaya nga kapag nakakarinig ako ng mga issues, it doesn’t really affect our relationship. 

“He still has his personal… hindi naman sa paki ko ba kung ano ang ginagawa niya.

"I mean, kung may marinig akong pangit,  I ask him, ‘Dad is this true, may something ba?'

“Napag-uusapan naman namin, but never was it my interest na kampihan man or…

“Basta, we avoid talking about those things. 

“Konti na nga lang ang oras na we spend time together, why focus on the bad things?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WE ARE FAMILY. No'ng nagkita ba sila ng mga kapatid niya sa ama, napag-usapan ba nila ito?

 Sagot niya, “When I saw them the last time, natanong ko when was the last time they saw Dad.

“I hadn’t seen my sisters in almost two years, so naitanong ko. 

“Pero sila, wala naman silang mga tanong, kaya gusto ko rin naman makasama si Tita Shine [Sunshine Cruz].

“I hadn’t seen her for the longest time...we still are family. 

“Through blood man or through court man, through papers man, we still are family.

“Wala, you know, what I’m saying? Le familia is todo.

“We are a modern family, we all still love each other.”

SOFIA ANDRES. Pagdating naman sa balitang may romantic relationship na sila ni Sofia Andres, muli itong itinanggi ni Diego.

Palagi kasi silang nakikita na magkasama ng young actress kaya sinasabing magkasintahan ang dalawa.

Paglilinaw ni Diego, “Madalas kaming magkasama...

“It just so happens marami po kaming mga events na pareho kaming iniimbita, so sadyang lagi kaming magkasama. 

“It has turned into a good friendship now na talagang we enjoy each other’s company."

Noong araw na iyon ay may event si Diego na nandoon din si Sofia.

Sa pagpapatuloy ng binata, “...magkikita-kita kami doon.

“I’m sure mapagkakamalan na naman na nanliligaw ako sa kanya.”

Walang bang chance na mas lumalim pa ang pagiging magkaibigan nila ni Sofia?

Sagot ni Diego, “Wala po akong sinasabing walang chance, there’s a chance for everything. 

“But as of now, Sofia and I are just friends. 

“Bata pa si Sofia,  I don’t think naman she’s looking for a relationship right now and neither am I.

“Good friends,we’re there for each other.”

May gagawin nga raw na bagong teleserye si Diego, at  makakasama niya rito si Sofia. Pero ayaw pa muna niyang magbigay ng detalye. 

Ang sabi lang niya, “There are plans na may projects kami sa future. Close na kami, hindi na kami maiilang sa isa’t-isa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama rin si Diego sa Bloody Crayons ng Star Cinema.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN