Vice Ganda slams DFA for showing pirated copy of A Second Chance

Vice Ganda's reaction to the post of Star Cinema's AdProm head: "Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!"


Tinawag ni Vice Ganda ang atensiyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa pagpapalabas ng pirated copy ng isang pelikula sa himpilan nito sa Ali Mall, Cubao, Quezon City.

Nagsimula ito nang mag-post sa Twitter ang AdProm manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario ng kuha mula DFA-Ali Mall na may tanong na: “Dear DFA ALI MALL, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance dyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm.. Government agency po kayo?”

Ni-retweet naman ito ni Vice at saka sinabing: “This is DISGUSTING!!! Hoy DFA Ali Mall ang garapal nitong ahensya ng gobyerno na ito!!!”

Kasunod nito, tila pabiro naman hirit ng It's Showtime host: “Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz!”

Pero kapansin-pansin ang paggamit ni Vice ng #NoToPiracy sa post na ito bilang panawagan sa pagbabawal ng pagtangkilik sa mga pirated copy ng mga pelikulang Pilipino.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN