Luis Manzano unfazed by relationship problem with Angel Locsin: "A lot of good things are happening in my life."

Luis Manzano explains how he manages to remain optimistic despite his recent breakup with Angel Locsin: "Ang daming nangyayaring maganda so di mahirap humugot ng lakas ng loob sa mga nangyayari."


Iba’t ibang espekulasyon ang lumalabas kung bakit on the rocks ang relasyong Luis Manzano at Angel Locsin.

Isa sa mga naging matunog na rason ng matinding away ng dalawa ay dahil diumano sa Darna role na tinanggap pa rin daw ng aktres kahit di pa tuluyang nagagamot ang disc bulge niya sa kanyang spinal column.

May ilan ding nagsabi na pinili raw ni Angel ang career over love, na lubha raw ikinatampo ni Luis.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa TV host nung nakaraang Linggo, January 31, sa bakuran ng ABS-CBN, agad na klinaro ni Luis na walang katotohanan ang lumalabas na mga haka-haka.

“Honestly, walang kinalaman ang Darna, nagulat ako sa Darna issue na ‘yan.

“There are so many speculations.

“Ibigay na natin sa kanila yung mga gusto nilang isipin, at the same time, ibigay na nila sa amin yung natitira para sa amin.”

REFUSES TO ELABORATE ON ISSUE. Sa interview ni Angel sa Tonight With Boy Abunda ay sinabi nitong hindi nawawala ang pagmamahal niya kay Luis, bagay na sinang-ayunan naman ni Luis.

Pahayag niya, “Oo naman, may mga kailangan lang pagdaanan talaga ang mga tao, especially yung mga pinagdaanan namin.

“Kung ano ang eksaktong sinabi ni Angel sa Tonight With Boy, ayoko na ngang magsabi ng kahit na ano pa.

“Mamaya masabi na kung sino pa ang lalake, siya pa ang pinakamadaldaldal.

“I'd rather leave everything on her.

“Okay na yung sinabi ko...na may pinagdaanan kami, okay na yun.

“Pangit naman kung sa akin manggagaling ang lahat.”

Sa tanong namin kung sinusubukan ba nilang ayusin kung anuman ang problema, aminado si Luis na may mga bagay talagang dapat nilang ayusin ni Angel.

“May mga kailangan pang ayusin din naman sa aming dalawa.

“Iwanan natin dun sa interview ni Angel sa Tonight With Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UNAFFECTED? May ilang lumalabas na sa kabila raw ng pinagdadaanan nila ni Angel ay tila di raw kinakikitaan ng marami na apektado ang TV host.

Ayon naman kay Luis ay maraming magagandang bagay na nangyayari ngayon sa kanyang buhay na pinaghuhugutan niya ng tapang at lakas ng loob.

Aniya, “A lot of good things are happening in my life.

“Eksakto kung ano ang sinabi ni Angel.

“Ang daming nangyayaring maganda so di mahirap humugot ng lakas ng loob sa mga nangyayari.”

OPEN COMMUNICATION WITH ANGEL. Sa kabila ng problema sa kanilang relasyon, siniguro ni Luis na magkaibigan pa rin sila at bukas ang komunikasyon nila ni Angel.

Dagdag ni Luis, “Oo naman, in fact, magka-text kami kahapon, okay kami."

Nagpahayag din ng pasasalamat ang TV host sa mga tagahanga nila ni Angel na patuloy pa ring sumusuporta sa kanilang dalawa.

“Thank you very much sa mga nagpu-post sa social media namin.

“Thank you very much for the support sa amin as individuals and Kulit and Kite, thank you very much sa pagmamahal.”

DEAL OR NO DEAL. Isa sa regular shows ni Luis sa Kapamilya network ay ang Kapamilya Deal Or No Deal (KDOND) kunsaan napapanood na sila ngayong lumalabas sa studio at pumupunta sa mga barangay.

Ani Luis, “Parang nasanay kami sa studio, ang daming nagsasabi na ano kaya yung feeling diyan sa loob ng studio, gaano kaya kasaya ang Deal or No Deal na napapanood nang live?

“Gusto naming ma-experience talaga yung napakaraming barangay na Kapamilya natin."

Marami ang nagsasabi na kaya ginawa ito ng KDOND ay dahil tatapatan sila ng show ni Willie Revillame sa kabilang istasyon.

Sagot ng binata, “I don’t think so, base sa mga nababasa ko, si Tito Willy, one show higher kung tama ang mga nabasa ko online. But if it’s true, it’s a healthy competition.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THANKFUL TO MOVIEGOERS. Nagpasalamat din si Luis sa lahat ng mga tao na sumuporta at nanood sa Everything About Her na pinagbibidahan ng mommy niyang si Governor Vilma Santos, Xian Lim, at Angel.

“In behalf ni Mommy, ni Angel, ni Xian, ni Direk Joyce, maraming salamat sa nanoood ng Everything About Her.

"Sabi ko nga tanggalin mo ang personal relationship ko sa kanila, napakagandang pelikula. I’m a fan.

“Sinasabi ko nga talaga both on social media at sa mga nakakasama at nakakaharap ko na dapat nila talagang panoorin ang Everything About Her.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN