Ian Veneracion says his wife doesn't get jealous of Jodi Sta. Maria

Ian Veneracion says his wife doesn't get jealous of his Pangako Sa 'Yo co-star Jodi Sta. Maria: "Na-meet na niya nang personal si Jodi. Nakilala niya si Jodi at kilala naman niya kung gaano ako ka-professional sa trabaho ko, at alam niyang mahal na mahal ko siya."


Bukod sa tambalang KathNiel, ang AmorAdo o ang pinagsamang pangalan nina Amor at Eduardo na ginagampanan nina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion ang isa sa inabangan at tinutukan sa seryeng Pangako Sa 'Yo.

Ito ay sa kabila ng realidad na may kanya-kanyang relasyon sina Jodi at Ian sa totoong buhay.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na masaya sa kanyang buhay may-asawa si Ian, habang si Jodi ay mahigit tatlong taon na rin ang relasyon kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Sa thanksgiving presscon ng Pangako Sa 'Yo noong February 5, sa 9501 resto sa ELJ Communication Center ng ABS-CBN, agad naming tinanong si Ian kung hindi ba nakaramdam ng selos kahit kailan ang kanyang asawa kay Jodi dahil sa matinding chemistry nila on screen.

Sagot niya, “Never, she’s a very confident person and she knows Jodi.

“Na-meet na niya nang personal si Jodi.

“Nakilala niya si Jodi at kilala naman niya kung gaano ako ka-professional sa trabaho ko, at alam niyang mahal na mahal ko siya.”

Ayon pa kay Ian, masaya nga raw ang kanyang asawa na maganda ang tinatakbo ng kanyang showbiz career sa ngayon.

Patuloy pa niya, “She’s very happy. Siyempre when I’m happy, she’s happy.

“Pag nakikita niya na bored ako sa buhay ko, siyempre nag-aalala siya.

“Sa ngayon, masaya siya kasi nakikita niya na masaya ako sa trabaho, nag-e-enjoy ako sa mga kasama ko sa trabaho."

CHEMISTRY WITH JODI. Nang kumustahin naman namin ang samahan nila ni Jodi, kinuwento sa amin ni Ian na magkaibigan talaga sila ng aktres kaya’t kahit sa simula pa lang ay kumportable na sila sa isa’t isa.

Pagmamalaki niya, “We’re really good friends.

"We’re really comfortable telling each other personal stuff.

“I guess yun ang nakikita nila sa chemistry namin.

“No, actually, sa simula pa lang, kumportable na kami. We've worked together before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Tapos workshops pa, exercises, para walang ilangan. Pagdating sa taping, reding-ready kami for our characters.

RESISTING TEMPTATIONS. Bilang isa siya sa mga in-demand na leading man ngayon sa Kapamilya network, paano hina-handle ni Ian ang mga babaeng tagahanga niya na nagbibigay ng motibo?

“Wala lang, siguro I just treat it as work.

“Yung sinusubaybayan naman nila is si Eduardo.

“Ian the person is different from Ian the actor.

"Di ko naman inuuwi sa bahay yung trabaho ko, sobrang simple lang ako na tao.”

SADDENED BY SHOW'S ENDING. Sa pagtatapos ng Pangako Sa 'Yo sa February 12, aminado ang aktor na nakakaramdam siya ng lungkot dahil parang pamilya na ang turing niya sa cast ng nasabing serye.

Pag-amin niya, "Siyempre looking forward to bakasyon, pero, at the same time, malungkot because naging family na kami, yung buong show.,

“We’ve been working almost every day for more than a year.”

Napaka-memorable kay Ian na siya ang gumanap sa role ni Eduardo Buenavista dahil napakalaki ng binago nito sa kanyang showbiz career. Hindi rin inaasahan ni Ian na tatanggapin ng publiko ang tambalan nila ni Jodi.

“Marami, bago kami nag-start ng taping, nag-birthday ako, 40th birthday ko.

“Ngayon, naniniwala ako that life begins at forty. Ang daming unexpected na changes.

“Totally unexpected.

"Nakakataba ng puso dahil ang daming sumubaybay sa istorya namin,” pagpapasalamat niya.

NO FOLLOW-UP PROJECTS YET. Sa pagtatapos ng PSY, may nakalinya na ba siyang susunod na seryeng gagawin?

“Wala pa ako dun.

“Hindi ko pa naiisip, di pa namin napag-uusapan.

“Sobrang di ko alam, di ko talaga... di ko masasagot sa ngayon.

“Looking forward din ako to rest after Pangako kasi grabe, grabe kami magtrabaho, puyatan nang todo-todo kaya magbabakasyon muna ako,” lahad pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN