Jodi Sta. Maria recalls first time she worked with Ian Veneracion: "Ang role niya dun ay tatay ko."

Jodi Sta. Maria analyzes the complexities of Amor Powers, her character in Pangako Sa 'Yo: "Napakarami niya kasing layers, ang haba ng tinahak niya, yung journey niya napakamakulay."


Para kay Jodi Sta. Maria, ang role niya bilang si Amor Powers sa Pangako Sa 'Yo ang maikukunsidera niyang pinaka-challenging na nagampanan niya sa loob ng halos labing-apat na taon niya sa showbiz.

Sa thanksgiving presscon ng Pangalo Sa 'Yo nung Huwebes, February 4, sa 9501 resto sa ELJ Communication Center ng ABS-CBN, sinabi nitong sa simula pa lang, mataas na ang expectations ng mga tao dahil sa mahusay na pagganap ng orihinal na Amor Powers na si Eula Valdes.

Dugtong ni Jodi, “Hanggang sa huli, naniniwala ako na talagang hindi mawawala yung pagiging challenging ng character ni Amor Powers.

“Napakarami niya kasing layers, ang haba ng tinahak niya, yung journey niya napakamakulay.

“Kumbaga, ang dami nang nangyari sa buhay niya, so dun nanggagaling yung layers ng characters niya.”

Sa pagtatapos ng Pangako Sa 'Yo, kunsaan ang final episode ay mapapanood sa February 12, anong pakiramdam ni Jodi?

“Alam mo, di ko nga alam.

“Siyempre mixed emotions na na-e-excite ako sa ipi-present naming ending sa mga tao, at the same time, I would say na nalulungkot ako.

“Napakagandang experience ng Pangako Sa 'Yo para sa akin.

“Siguro pagdating sa karera ko, I’ll say na may nagawa ako na isa na namang bago, na masasabi kong sa tulong ng aking mga direktor, ng aking mga co-actors, scriptwriters, ay napagtagumpayan naman.”

IAN'S WIFE. Tulad ng kapareha niyang si Ian Veneracion, aminado ang aktres na di niya inasahan ang mainit na pagtanggap ng publiko sa tambalan nila ng aktor na binansagang "AmorAdo."

Aniya, “It’s something I never expected.

“Di ko naisip na magkakaroon talaga ng AmorAdo, kasi loko-lokohan lang naman namin 'yan sa taping, e.

“'Tapos part ng tuksuhan pag nagte-taping.

“Kasi nag-start yung istorya nila nung binata at dalaga pa sila, so alam mo yung pa-tweetums pa yung dating namin, kaya naisilang ‘yang AmorAdo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Di namin inexpect kung nasaan kami ngayon.”

Sa kakaibang chemistry nila, klinaro ni Ian na hindi pinagselosan kahit kailan ng kanyang non-showbiz wife ang loveteam nila in Jodi.

Ayon naman kay Jodi ay matagal na rin silang magkakilala nito.

Lahad niya, “Nakilala ko si Ate Pam [Ian's wife] even before pa.

“Si Ian, nakatrabaho ko na siya before, sa Saan Darating Ang Umaga.

“Ang role niya dun ay tatay ko.

“Kung titingnan mo, ngayon magkapareha kami, loveteam, ibig sabihin tumanda ako, pero siya hindi, na-maintain niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN