Jiro Manio still emotionally unstable despite rehab, says source

Despite having come out of rehab just recently, Jiro Manio seems on the verge of going back to his old self. Sources confirm that he has been skipping his acting workshops and wants to go back to his adoptive father's house


May isang malapit na kamag-anak si Jiro Manio na nagbigay sa kanya ng false hope na makakapunta pa rin siya sa Japan para makapiling ang estranged Japanese father niya kaya ayaw na ng former child actor na magbalik-showbiz.

Ayon sa isa ng source na nakausap ng PEP.ph (Philipppine Entertainment Portal), hindi na sinipot ni Jiro ang acting workshop na sasalihan dapat nito.

Gusto na raw nitong bumalik sa bahay ng kanyang adoptive father na si Andrew Manio.

Kasalukuyang nakatira si Jiro sa condominium unit na nirerentahan ni Ai-Ai delas Alas para sa kanya, pero ayon sa aming source, "back to his old self " ang former multi-awarded actor.

Marami ang nagpapayo kay Ai-Ai na huwag nang tulungan si Jiro, pero hindi raw nawawalan ng pag-asa ang Comedy Queen na darating ang panahong magbabago ang aktor na tinutulungan.

Nakipag-usap na si Ai-Ai sa adoptive father ni Jiro at may napagkasunduan silang plano para mahinto ang pagbabalik ng dating ugali ni Jiro mula nang lumabas siya sa wellness facility na pinagdalhan sa kanya ng aktres.

Noong last quarter ng nakaraang taon, lumipad si Ai-Ai sa Japan para makausap nang personal ang Japanese father ni Jiro.

Hindi nagkaroon ng pagkakataon si Ai-Ai na makaharap ang biological father ni Jiro dahil nawalan na raw ito ng tiwala sa mga Pilipino.

Noong bata pa si Jiro, pinadadalhan daw ito ng financial support ng kanyang ama, pero may nalaman ito kaya nawala ang tiwala niya sa mga Pilipino na diumano'y nagsamantala sa kanyang kabutihan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN