Starstruck alumnus Jan Manual ready to quit showbiz to become a pastor

Former Starstruck 4 avenger Jan Manual on quitting showbiz and heeding his calling as a pastor for the Victory Christian Fellowship: "Meron at meron ka pa ring hahanapin at natagpuan ko iyon sa church namin. Totoo pala yung sinasabi nilang may calling ka from God."


Handa nang talikuran ng StarStruck 4 alumna na si Jan Manual ang showbiz para sa isang tahimik na buhay bilang isang pastor.

Ito ang naging kuwento sa amin ni Jan nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng GMA primetime teleserye na That’s My Amboy noong nakaraang February 3 sa Cities Events Place, Sgt. Esguerra St., Quezon City.

Ayon kay Jan, nagsisimula siyang muling mag-training para maging isang pastor para sa kanilang church na Victory Christian Fellowship.

HEEDING HIS CALLING. Nagsimula raw na magkainteres ang 30-year old Kapuso comedian, na nakilala sa impersonation niya kay Manny Pacquiao bilang Pacboy, noong 2012 pa. Hanggang unti-unti na siyang naging aktibo sa church.

Kuwento niya, “Para kasing may kulang sa mga ginagawa ko.

“Okey naman ang trabaho natin sa showbiz.

“Hindi naman po tayo nawawalan ng trabaho. Pero parang hindi ka pa rin masaya.

“Meron at meron ka pa ring hahanapin at natagpuan ko iyon sa church namin.

“Totoo pala yung sinasabi nilang may calling ka from God.

“Noong maging active na ako sa Victory Christian Fellowship, parang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko—yung lagi kang masaya kasi nakakapakinig ka ng mga salita ng Diyos.

“Tapos, nagagawa mo pang i-share ito sa mga kasamahan mo sa trabaho.

“Iba ang pakiramdam kaya parang iyon na ang gusto kong gawin. I was ready to leave showbiz that time kasi gusto ko nang mag-fulltime sa training ko sa church namin.”

INTENSIVE TRAINING. Kaya noong 2013 pagkatapos ng teleserye na Prinsesa Ng Buhay Ko, mas nag-devote si Jan ng kanyang oras sa kanilang church.

Sabi niya, “Wala akong teleserye for almost a year. Pero meron pa akong Startalk at Bubble Gang noong mga panahong ‘yon.

“Okey naman po ang naging training ko sa church. Nakakapagturo na ako sa church namin.

“Nakakapunta na ako sa iba’t ibang lugar kasama ang ilang leaders namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iba ang experience talaga. May inner peace na doon ko lang naramdaman.”

TEMPORARY LEAVE. Pero noong 2015 ay biglang tumigil sa kanyang training si Jan at muling naging aktibo sa paglabas sa TV. Inamin ni Jan na na-miss niya ang umarte.

Patuloy niyang kuwento, “Nagpaalam naman po ako sa church namin.

“Sa isang taon na wala akong nilabasan na teleserye, parang na-miss ko rin ang umarte.

“Noong bigyan ako ng role sa Kailan Tama Ang Mali?, tinanggap ko kasi nandoon pa rin ako sa lugar na hindi pa ako totally sure kung kaya kong iwan ang showbiz.

“Kaya pansamantala, nag-stop ako sa training ko at nagtrabaho ulit tayo sa TV.”

SIGNS. Pagkatapos nga ng sinalihan na teleserye ni Jan, bigla naman namaalam sa ere ang Startalk kunsaan meron siyang regular na segment. Maging ang Bubble Gang kunsaan regular siya ay nagbawas ng cast at kasama siya sa natanggal.

Pakiramdam ni Jan, senyales ito na kailangan na niyang balikan ang calling niya sa pagiging pastor ng kanilang simbahan.

“Yun nga po ang naramdaman ko. Kasi sabay-sabay silang nawala.

“Siguro nga kailangan ko nang balikan ang training ko dahil iyon ang para sa akin.

“Kaya binalikan ko ang leader namin sa church at nagsabi ako na ready na ulit akong mag-training.

“Magsisimula ulit ako kung kinakailangan.

“Nataon naman na kinuha ako para sa That’s My Amboy.

“Tinuturing ko naman na blessing ito kasi kahit papaano, kahit na nawala na yung mga dati kong shows, binigyan pa rin tayo ni Lord nang pagkukunan natin ng panggastos.

“Parang regalo na siguro sa akin ito ni Lord dahil nangako akong babalikan ko ang training ko sa church,” ngiti pa ni Jan.

NO LOVE LIFE. Walang karelasyon si Jan ngayon dahil ayon sa kanya, hindi pa niya natatagpuan ang babaeng makakasundo niya.

Inamin ni Jan na noong 2012 ay muntik na siyang ikasal sa kanyang non-showbiz girlfriend. Pero biglang na call-off ang wedding dahil nagkaproblema sila sa mga personal nilang paniniwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, “Actually, handa na po ang lahat. May simbahan na, naayos na namin ang lahat ng kailangan. Haharap na lang kami sa altar.

“Pero biglang nangyari na lang na umatras kaming dalawa.

“May kinalaman sa relihiyon naming dalawa. Christian po ako at Catholic siya.

“Pakiramdam namin ay hindi magwu-work kaya hindi na namin pinilit pa.”

Nabalita namang naging sila raw ng Kapuso actress na si Sheena Halili noong nakaraang taon.

Natatawang sinagot ni Jan na hindi siya sure na naging sila talaga ni Sheena.

Pagbabalik-tanaw niya, “Okey naman kami ni Sheena, pero madalas kasi kaming mag-away.

“Mga maliliit na bagay pinag-aawayan namin.

“Hindi ko masabi na naging kami kasi parang hindi, e.

“Kahit na tanungin n’yo siya, hindi rin masasagot kung naging kami.

“Siguro nga mas okey kaming magkaibigan na lang ni Sheena.

“Okey lang po na loveless ako dahil ibibigay din ni Lord ang babaeng karapat-dapat sa akin balang-araw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN