Hubert Webb and the woman he met in prison are now married

Hubert Webb finally tied the knot with his non-showbiz fiancée, whom he met while he was incarcerated at the New Bilibid Prison in Muntinlupa City. They were engaged last December 12, 2014


Ikinasal na si Hubert Webb sa kanyang non-showbiz fiancée noong February 7 sa St. Andrew Cathedral, Parañaque City.

Nakilala ni Hubert ang kanyang asawa na anim na taong mas bata sa kanya noong nakakulong pa siya sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City.

Ang kanilang engagement ay naganap noong December 12, 2014.

HESITANT TO MARRY. Sa panayam ng anak ni former senator Freddie Webb noong 2012 sa Kris TV, wala siyang nabanggit na detalye tungkol sa kanyang nobya maliban sa ito ay isang chef.

Inamin din ni Hubert noong una raw ay nagdadalawang isip pa siya na magpakasal dahil gusto niya na may magandang kinabukasan siyang maibibigay sa kanyang magiging pamilya.

Matatandaang labinlimang taong nakulong si Hubert dahil sa pagkakasangkot nito sa kasong pagpatay at panggagahasa kay Carmela Vizconde, at pati na rin sa pagpatay sa ina nitong si Estrellita at kapatid na si Jennifer.

December 2014 nang i-acquit ng Supreme Court si Hubert at lima pa nitong kapwa-akusado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN