Geoff Eigenmann's cryptic Instagram posts hint at new love

Based on his recent Instagram posts, Geoff Eigenmann seems to be in love again. The object of his affection is Angeli Mae Flores, a.k.a. Maya, former Star For A Night finalist and former member of the Pan-Asian all-girl singing group called Blush. She is one of the newest artists of PPL Entertainment Inc, which also manages Geoff's career.

 


Kung ang pagbabasehan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ay ang mga Instagram accounts ng Kapuso leading man na si Geoff Eigenmann at ang singer na si Maya, ang isa sa mga bagong artists ng PPL Entertainment Inc., puwedeng isipin na may namumuo nang magandang pagtitinginan sa dalawa at in-love na muli ang actor.

Sa Instagram account ni Geoff, may isang linggo na ang nakararaan, may post itong dalawang partially filled wine glasses at maaaninag sa background ang isang babae. Ito ay may caption na, “day 1.”

day 1

A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann_) on

May komento pa sa IG ni Geoff na, “Look like Max Collins.”

Pero malabong si Max na kasamahan din ni Geoff sa PPL Entertainment, Inc. ang babae sa likod ng wine glass dahil sa Instagram account ni Maya na @blushmaya, katulad ng post ni Geoff, nag-post din si Maya ng parehong wine glass at may caption din itong “day 1.”

day 1

A photo posted by Maya (@blushmaya) on

Sa post ni Maya, mas aninag ang mukha ng isang lalaki na may hawak ng cellphone.

Nag-post din ng comment sa parehong IG accounts nina Geoff at Maya ang stylist na si John Paul Dizon. Sa IG ni Maya, nag-comment ito ng, “Ay teka! Ahahahha!”

Sa IG naman ni Geoff, ang comment niya ay “Bet!”

IS GEOFF IN LOVE AGAIN? Matagal na ring single si Geoff simula nang mabalita ang naging break-up nila ni Carla Abellana at tila ini-enjoy naman niya ang single life.

Sa tuwing tatanungin siya ng PEP kung may bagong nililigawan, sinasabi niyang wala at masaya siya sa buhay single niya.

Pero bukod sa post na yun ni Geoff, magkasunod din niyang ipinost ang dalawang quotes tungkol sa babae at sa pag-ibig.

May anim na araw ang nakararaan, ipinost ni Geoff ang isang quote mula kay J. Iron Word na, “She is the kind of woman you never stop loving, the kind who unravels your heart around her entire existence.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann_) on

Sinundan nito ng isa pang quote may tatlong araw naman ang nakararaan mula kay Jose Chaves na, “We don’t find love it finds us by tracing the secret maps of our souls.”

A photo posted by eigenmann (@g_eigenmann_) on

DATING? Isa pa sa nakapagbigay ng kumpirmasyon na may namamagitan na nga yata kina Geoff at Maya ay ang pagiging sobrang malapit nilang dalawa sa nakaraang opening night ng 3 Stars and a Sun, ang musical play ng PETA na hango sa musika ng Master Rapper na si Francis M.

Ang manager nina Geoff at Maya na si Perry Lansigan at ang pinsan niyang si Gabby Eigenmann ang ilan sa naging producers ng opening night kaya naman parehong nanood at sinuportahan nina Maya at Geoff ang naturang musical play.

Nakita ng PEP kung paano magka-holding hands sina Geoff at Maya sa lobby ng PETA Theater, dahilan para mag-isip din ang iba pang nakakakita sa dalawa kung sila na ba.

MAYA. Sa mga hindi nakakaalam, si Maya ay si Angeli Mae Flores na naging finalist kay Sarah Geronimo sa Star For A Night noon at naging isa sa limang miyembro ng Pan-Asian Group girls na Blush at ngayon nga ay nagsisimula muli ng kanyang singing career sa bansa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN