Ai-Ai delas Alas on Jiro Manio's recovery after rehab: "Medyo aloof pa siya."

Ai-Ai delas Alas gives an update regarding Jiro Manio's recovery after his rehab: "Siyempre, nangangapa pa yung tao. Kumbaga sa sasakyan, kailangan pa ng oil, so dapat lagyan pa natin ng oil para umandar nang maayos."


Si Ai-Ai delas Alas ang nagsisilbing foster parent ngayon ni Jiro Manio, matapos itong matagpuan palabuy-laboy sa NAIA 3 noong nakaraang taon.

Ilang buwan ding nagpagaling sa isang wellness center si Jiro, hanggang sa mailabas na ito nitong nakaraang buwan, at ang Concert Comedy Queen pa rin ang umaalalay rito.

Pansamantala pa rin niyang kinukupkop si Jiro, na nakatira nga raw ngayon sa isang condominium na inuupahan niya.

Sa birthday celebration/presscon ng film producer na si Baby Go para sa pelikulang AREA (Magkera ka, Magkanu?), na ginanap sa The New Horizon Hotel sa Boni Avenue, Mandaluyong City, noong February 4, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai ang kundisyon ngayon ni Jiro.

Bungad ni Ai-Ai, “Gagawa siya ng Magpakailanman, e.

“Tingnan muna natin ang magiging outcome ng Magpakailanman, at saka ako magpaplano for him.

“Okey naman siya. Ang alam ko, nagwu-workshop siya.

“Tingnan natin ang kahinanatnan ng workshop niya.

“Siyempre, nangangapa pa yung tao.

“Kumbaga sa sasakyan, kailangan pa ng oil, so dapat lagyan pa natin ng oil para umandar nang maayos.”

IMPROVEMENT. Malaki na rin ba ang pagbabago nito?

Aniya, “Oo, nag-improve naman, malaki naman ang improvement.

“Okey naman, tumutulong naman.”

Hindi pa naman daw nito pinasasakit ang kanyang ulo, dagdag pa niya.

Sa tingin ba niya ay nakabalik na ito sa dating Jiro noong hindi pa ito nagkaroon ng personal na problema?

Sabi naman ni Ai-Ai, “Medyo malayu-layo pa, konting ano pa.

“Kasi, medyo aloof pa siya, e.

“Siguro, later on, kapag nagti-taping na siya, dun natin makikita.

“At saka, tulad ng sinabi ko, kailangan muna ng oil para umandar nang maayos”

Mabuti’t hanggang ngayon ay mahaba pa rin ang pisi niya para sa kanyang bagong “anak”?'

Diin ng Kapuso actress-comedienne, “Andito naman talaga ako para sa kanya.

“At saka, ang ano lang talaga, mas maganda kung andun siya sa pamilya niya dahil yun ang gusto niya ngayon, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dun sa dati niya ulit.

“Ako naman, sinabi ko naman sa kanya, na sa akin, okey lang.

“Nandiyan pa naman ako para tumulong sa kanya sa projects niya.”

STILL THINKING ABOUT BIOLOGICAL DAD. Ang isang bagay raw na hindi mawala sa isip ni Jiro ay ang tatay nito na nasa Japan, na hanggang ngayon ay hindi pa nito nakakausap.

Pahayag ni Ai-Ai, “More ang iniisip niya talaga ay ang daddy niya na nasa Japan.

“Yun lang ang iniisip niya, wala siyang love life, wala siyang ano.

“Yun lang yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN